17 taong gulang na lalaki, di maayos ang lagay matapos masabugan ng vape sa bibig

17 taong gulang na lalaki, di maayos ang lagay matapos masabugan ng vape sa bibig

- Sumabog sa mismong bibig ng binata ang kanyang nabiling second hand na vape

- Masama ang ina niyang pinaghahanap na ang binilhan ng vape ng kanyang anak

- Lagas ang mga ngipin, maga ang bibig at nasugatan ang mata dahil sa pagsabog

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

"Pagkakita ko sa anak ko, umiyak ako kasi hindi maganda ang lagay ng anak ko," bungad ni Grace Sardea, ina ng binatilyong nakilala na si Jeffrey na nasabugan ng vape habang gamit ito.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN news, kalunos-lunos ang sinapit ni Jeffrey na nalagasan ng ngipin, sugatan ang mata at magang maga ang bibig dahil sa naturang insidente.

Kwento pa ni Grace, second hand lang umano ang vape na ginamit ng kanyang anak. Ilang araw ding nagamit ni Jeffrey ang vape bago ito nagsimulang pumalya.

Dahil dito, nakipagswap di umano ang biktima ng baterya ng vape online.

Matapos makuha ang bagong baterya sa ka-meet up, agad niya itong sinubukan at sa kasamaang palad bigla na lamang itong sumabog.

"Ibig sabihin, hindi match ang battery na 'yun dun sa vape na 'yun,"pahayag ni Grace.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa tindi ng galit ng ina, nagawa niyang ibuhos ang saloobin sa kanyang Facebook. Na-bash pa siya at sinabing di ito totoo.

"Sana naiintindihan niyo side ko. Bilang magulang kasi, mahirap kung mangyayari ito sa pamilya niyo," dagdag pa ni Grace.

Nananawagan at pinaghahanp ngayon ng ina ni Jeffrey ang swap nito online. Naniniwala siyang may pananagutan ito sa sinpit ng kanyang anak.

Sa ngayon, nagpapagaling pa rin ang binatilyo at inoobersabahan pa ang mga sugat na natamo.

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica