Ang bilis ng panahon! Mga PBB teens noon na may asawa o anak na ngayon

Ang bilis ng panahon! Mga PBB teens noon na may asawa o anak na ngayon

- Pinatunayan lamang ng ilang mga Pinoy Big Brother teen housemates noon na mabilis nga ang panahon

- Ngayon ay may kaniya-kaniya nang pamilya ang ilan sa kanila

- Kabilang na dito sina Matt Evans, Niña Jose, at Axel Torres

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa sa mga naging issues noon ng ilang Pinoy Big Brother Teen housemates ay ang kanilang pagiging madaling maakit o mahulog sa kapwa nila housemates.

Maging ang komedyanteng si Vice Ganda ay ginamit ang mga salitang “PBB Teens” kapag nakakakita siya ng mga taong nagp-PDA o Public Display of Affection.

Ilang taon makalipas ang mga teen editions ng diumano’y pinaka-sikat na bahay sa bansa, kumusta na nga kaya ang mga housemates na kabilang sa mga nabansagang PBB teens?

Nalaman ng KAMI na ang iba sa kanila ay may mga asawa o anak na ngayon kaya naman minabuti namin na ipaalam sa publiko kung sino-sino ang mga ito.

1. Beauty Gonzalez

Sumali si Beauty Gonzalez sa PBB Teen Edition Plus noong siya ay 16 years old pa lamang. Kinagiliwan siya ng maraming manonood kaya naman naiuwi niya ang 4th place sa nasabing patimpalak.

Ngayon, kasabay ng patuloy na pamamayagpag sa showbiz ay ine-enjoy niya ang buhay may asawa lalo na’t may isa na silang anak ng 44-year-old art curator na si Norman Crisologo.

2. Matt Evans

Hindi matatawaran ang mga naging kontribusyon ni Matt sa larangan ng showbiz. Ngunit ang lahat ng iyon ay nag umusbong nang sumali siya sa PBB Teen Edition 1 noong siya ay 17 years old pa lamang kung saan si Kim Chiu ang itinanghal na big winner.

May dalawang adorable kids na ngayon ang aktor sa kaniyang non-showbiz wife na si Katrina Farinas.

3. Niña Jose

Ang bilis ng panahon! Mga PBB teens noon na may asawa o anak na ngayon

Photo via manilarush.net

Pumasok ng bahay ni kuya si Niña Jose sa edad na 17. Ka-batch niya noon ang love team na si Kim Chiu at Gerald Anderson. Hindi man pinalad na manalo ay biniyayaan naman siya ng mayamang asawa at ng isang anak na nasa sinapupunan niya pa ngayon.

Napangasawa niya ang bilyonaryong si Cesar Quiambao mula sa Bayambang.

4. Mikee Lee

Si Mikee Lee ang nag uwi ng pangalawang pinakamataas na pwesto kasunod ni Kim Chiu sa PBB. Naging kasabay niya din noon ang aktor na si Gerald Anderson.

Hindi man nagtagal sa mundo ng showbiz ay may stable na business naman ito sa Singapore at ma-swerte din siya sa kaniyang non-showbiz wife.

5. Linda Backlund

Binansagan si Linda na “Bikini Babe ng Iriga” dahil sa kaniyang sexy na katawan noong pumasok siya sa PBB Teen Edition Plus kung saan si Ejay Falcon naman ang itinanghal na big winner.

Hindi pinili ni Linda ang showbiz bagkos ay naging suki ito ng mga beauty pageants. At ngayon, buntis na siya sa kaniyang long-time boyfriend na hindi din parte ng showbiz.

6. Axel Torres

Si Axel Torres ay kabilang sa mga housemates ni kuya noong PBB All In kung saan si Daniel Matsunaga ang idineklarang panalo. 19 years old lamang siya nang sumabak sa nasabing reality competition.

Ngayon ay may 2-year-old na anak na si Axel sa dati ring housemate na si Aina Solano.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Anim lamang sila sa marami pa marahil na teen housemates noon na may sarili nang pamilya ngayon. Ngunit ayon sa Whatsup Pinoy, bukod sa anim na ito ay napapabalitang may anak na rin daw ang aktres at dating PBB housemate na si Karen Reyes.

Kumalat ang mga larawan sa social media kung saan may hawak silang baby ng boyfriend nitong si Sarkie Sarangay na drummer ng Silent Sanctuary.

Bagama’t hindi pa ito kinukumpirma ni Karen, maraming netizens ang nagsabi na anak niya daw ang nasa larawan dahil matagal daw na huminto ang aktres sa showbiz dahil diumano sa pagbubuntis nito.

Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people to death! (Laughs evilly) – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration

Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration

Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel