16 Most loved 'like mother, like daughter' celebrity pairs sa showbiz

16 Most loved 'like mother, like daughter' celebrity pairs sa showbiz

Tunay nga na maraming papel a ginagampanan ang isang ina sa buhay ng kanilang mga anak.

Minsan sila ay guro, kalaro, disciplinarian, tagatanggol, at kung anu-ano pa.

At habang lumalaki ang kanilang mga anak, umiiba rin ang kanilang mga papel sa buhay.

Nguni't isang papel raw ang mananatili sa kanila sa kani-kanilang mga anak, mula sa pagkabata hanggang sa kanilang paglaki, at ito ay ang pagiging matalik na kaibigan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi man Mother's Day ngayon pero nais ng KAMI na mapagbigay galak, inspirasyon, at pagkilala sa mga ulirang mga ina lalo na sa mundo ng showbiz.

Kaya heto ang labing-anim(16) sa maraming most loved celebrity moms sa showbiz na binibigyan ang kanilang mga anak ng pinakabest sa buhay nila, sa pamamagitan lamang sa pagiging nariyan sa kanilang ano mang oras kailangan nila.

Naispatan namin ang listahan sa PEP at sa kani-kanilang mga Instagram accounts.

1. Dra. Vicki Belo and Cristalle Belo

Through all the years daw ay ginugul ni Dra. Vicki Belo sa pagpapalawak ng kanyang beauty empire at ito naman ay ibinahagi rin nya sa kanyang panganay na anak na babae na si Cristalle Belo.

2. Lucy Torres and Juliana Gomez

Nakagawa raw ng isang pinaka-admired mother-daughter relationship sa showbiz sina Lucy Torres at Juliana Gomez.

Para daw kay Lucy, si Juliana raw ay ang kanyang "foreover best friend, fashion police, and the family comedian."

3. Gretchen Barretto and Dominique Cojuangco

Ang kanilang Instagram accounts ay talaga rin namang hashtag feed goals when it comes sa kanilang "classy and timeless fashion finds."

Si Dominique ay nagbabahagi raw ng kanyang bonggang adventures sa London habang ang kanyang mommy na si La Greta, Gretchen Barretto ay ininspire ang marami sa kanyang gym training sessions at sa pagtulong sa kapwa.

4. Charlene Gonzales and Atasha Muhlach

Naging busy umano ang dating beauty queen at The Buzz co-host na si Charlene Gonzales sa pag-aalaga ng kanyang pamilya.

At makikita naman sa kanyang Instagram page ang mga larawan niya kasama ang kanyang pamilya.

Kamakailan lang, sa premiere night ng First Love ay tila nagtwinning sa OOTD snap ang mag-ina na binahagi naman ni Charlene sa kanyang IG.

5. Carmina Villarroel and Cassy Legaspi

Isa pang pretty at charming na look-alike mother and daughter pair ay sina Carmina Villaroel at Cassy Legaspi.

Ngayon, magkasama na sila sa Sarap, 'Di Ba? sa Kapuso network.

6. Sunshine Cruz and Angelina Cruz

Parehong pretty, matangkad, seksi, at talented ang flawless tandem ng mag-inang Sunshine Cruz at Angelina Cruz.

7. Aiko Melendez and Marthena Jickain

Pretty mom and daughter tandem na pareho parehong mga ngiti na sina Aiko Melendez at Marthena Jickain.

Ani pa ng ani Aiko sa kanyang one and only girl, "mini-me."

8. Sharon Cuneta and KC Concepcion

Gaya rin ng kanyang mommy na si Megastar Sharon Cuneta ay mahilig rin sa musika, pagkanta, hosting, at pag-arte si KC Concepcion.

Bukod pa rito, pareho ring mga magaganda at charming, at lalong lalo na articulate at matalino.

9. Ruffa Gutierrez and Lorin Gutierrez

Pretty and fabulous! Ito ang nararapat na deskripsyon ng mag-inang Ruffa at Lorin Gutierrez.

At tila, susunod sa yapak ng kanyang mommy si Lorin dahil gaya ng kanyang mommy pang beatuy queen rin ang kanyang beauty.

10. Cristina Gonzalez and Sofia Romualdez

The ever beautiful mother and daughter duo na sina Cristina Gonzalez at ang pretty daughter na si Sofia Romualdez.

11. Angelu De Leon and Nicole De Leon

Tila nagmukhang magsister sina Angelu de Leon at Nicole sa larawang ito nang mag-guest sila kamakailan lang sa Eat Bulaga.

Parang doppelgänger lang ni Angelu si Nicole.

12. Andi Manzano and Olivia Reyes

Instagram celebrities rin ang pretty at ka look-alike na mommy at daughter na sina Andi Manzano at Olivia Reyes.

13. Zsa Zsa Padilla and Karylle

Ang mag-inang Zsa Zsa Padilla at It's Showtime host Karylle ay pareho ring nalinya sa hosting at acting, at parehong magagaling.

Bukod sa rito, pareho rin silang mahilig sa musika at pagkanta kasama na rin ang isa pang-anak ng Divine Diva na si Zia Quizon.

14. Tweetie de Leon and Sabina Gonzalez

Bago pa nakilala si Tweetie de Leon bilang si Faye sa Okay ka, Fairy ko! na leading lady ni Eat Bulaga Bossing Vic Sotto, naging isa sa mga top models daw siya noong '90s, at kaya daw siguro , pati ang pretty daughter niya ay pasok na rin sa fashion.

15. Mommy Pinty and Toni Gonzaga

Dahil sa superstars na mga anak na sina Toni at Alex Gonzaga, naging instant celebrity na rin si mommy Pinty.

Lumabas rin siya sa isang cooking show kasama si Carmina Villaroel, at biruan pa ng mag sissums na si Toni Gonzaga raw ay nagiging mommy Pinty na nila ngayong may pamilya na rin ang kinikilalang Ultimate Multimedia Superstars.

16. Lea Salonga and Nicole Chien

Ika pa ng international music superstar na si Lea Salonga noong 40th anniversary concert niya:

"The older you get, the more you become your parents."

Ito na rin ay dahil sa yapak ng daan na tinatahak ng kanyang unica hija na si Nicole Chien.

Bukod pa sa magaling na mag-aawit ang huli, kuhang kuha rin niya ang pagigign eloquent sa pananalita gaya ng kanyang mommy.

Kamakailan nga ay ibinalita namin rito ang 'like mother, like daughter' moment ng mag-inang Lea Salonga at Nicole Chien.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Tatay, pinatay ang buntis na asawa at 2 anak para makasama ang kabit

Lalake, pinatay ang buntis na asawa at 2 anak para makasama ang kabit

Tatay, pinatay ang buntis na asawa at 2 anak para makasama ang kabit
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel