Diumano’y mga kuripot na celebrities, walang takot na pinangalanan ni Vhong Navarro

Diumano’y mga kuripot na celebrities, walang takot na pinangalanan ni Vhong Navarro

- Isiniwalat ni Vhong Navarro ang pangalan ng mga artista sa Pilipinas na kuripot

- Nangyari ang pagbunyag habang nagho-host ang aktor sa It’s Showtime

- Sinabi ni Vhong na kapantay ng pagiging kuripot nila ang pagiging madiskarte

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Walang kaabog-abog na inisa-isa ng Kapamilya actor na si Vhong Navarro ang mga pangalan ng Filipino celebrities na kuripot.

Nalaman ng KAMI na naganap ang rebelasyon ng aktor sa gitna mismo ng pagho-host sa noontime show na It’s Showtime.

Una nang pinag-usapan ni Vhong at ni Mariel Padilla ang kahalagahan ng pagtitipid kaya’t nabaling sila sa mga sikat na artistang kuripot.

Ayon kay Mariel, kadalasan daw na yumayaman ang mga taong matitipid at agad naman itong sinang-ayunan ng Agent X44 star.

Dahil dito, hindi napigilan ni Vhong na magbitaw ng mga pangalan ng mayayamang celebrities dahil sa pagiging kuripot nila.

Una nang binanggit ng batikang aktor ang kaniyang kaibigan at sikat rin na celebrity na si Marvin Agustin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakabilang din sa mga pinangalanan ni Vhong ay ang Kapamilya heatthrob na si Enchong Dee.

Matapang naman na nag agree ang TV host sa isinigaw ng madalang people na kuripot din daw ang kapwa niya host na si Karylle.

Nag react naman dito ang nasabing host at inamin na totoo ang mga sinabi ni Vhong tungkol sa kaniya.

“Pinag-uusapan pa naman namin dito yung kuripot. ‘Di ako maka-imik. Ang dami nilang mga friends na kuripot din. Sabi ko, ‘ako din,’” pahayag ng Kapamilya singer.

Matapos magbanggit ng mga pangalan, nilinaw ni Vhong na ang pagiging kuripot ay nangangahulugan din na pagiging madiskarte sa buhay.

Narito ang video:

Sa nakaraang ulat ng KAMI, nagsalita na si Vhong tungkol sa tunay na kalagayan ng kaibigang si Billy Crawford sa It’s Showtime.

Ipinanganak noong January 4, 1977, si Vhong ay isang Filipino comedian, actor, dancer, at singer na naging bahagi ng dance group na “Streetboys.” Bumida na siya sa mga pelikula gaya ng Unli Life, Da Possessed, at Mang Kepweng Returns.

POPULAR: Read more news about Vhong Navarro!

Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people to death! (Laughs evilly) – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Jhong Hilario rides MRT to avoid heavy traffic

Jhong Hilario rides MRT to avoid heavy traffic

Jhong Hilario rides MRT to avoid heavy traffic
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel