Rochelle Barrameda, tatakbong konsehal para umano sa pinaslang na kapatid
- Tatakbo nga raw si Rochelle Barrameda kasama si Dominic Ochoa bilang konsela sa Parañaque City para sa May 2019 eleksyon
- Kapwa tatakbo raw ang dalawa sa ilalim ng Lakas-CMD pero sa magkahiwalay na distrito, ayon pa sa balita
- Sasabak umano si Rochelle sa pulitika para sa brutal na pagpaslang diumano sa kapatid nya na si Ruby Rose noong March 2007
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Napag-alaman ng KAMI na dalawa sa mga showbiz personalities na tatakbo sa susunod na halalan ay sina Rochelle Barrameda at Dominic Ochoa.
Tatakbo umano sila sa ilalim ng Lakas-CMD at kandidato sila bilang konsehal sa magkahiwalay na distrito, ayon pa sa balita ng PEP.
Si Dominique ay sa District 2 at si Rochelle naman ay sa District 1.
Susubukan umano ni Rochelle ang pagpasok sa pulitika at isa sa importanteng dahilan niya ay ang diumano'y brutal na pagpaslang sa kanyang kapatid na si Ruby Rose noong March 2007.
Hanggang ngayon raw ay lumalaban pa rin siya sa hustisya.
Ani ni Rochelle:
"Alam naman ng lahat na naging personal na ang aking advocacy ang AVAWC o Anti-Violence against Women and their Children dahil sa nangyari sa pamilya namin.
"Ang pagpaslang sa kapatid kong si Ruby Rose, na isinilid sa drum, ipinosas, isinimento, at itinago sa dagat."
"For more than 11 years, nandito pa rin ako na lumalaban na makamit ng kapatid ko ang hustisya na matagal na po naming inaasam."
Pahayag pa niya:
"Hindi ko planado na sumabak sa pulitika pero bigla na lang dumating ang bagong paghamon.Hindi naging madali para sa akin, lalo na sa mommy ko.Ayaw niya talaga na sumabak ako sa pulitika, lalo na kabubukas pa lang ng beauty and skin clinic business [Skinfrolic by Beautéderm] namin ni Jimwell Stevens [her husband]. Isa pa, mahahati ang oras ko sa pamilya ko at sa paglilingkuran ko.Gabi-gabi akong nagdarasal na bigyan niya ako ng sign kung tutuloy ko ba o hindi."
Pero dahil na rin sa paghahanap pa rin ng hustisya sa brutal na pagpaslang sa kapatid ay pinasok na nga niya ang pulitika.
Source: KAMI.com.gh