Barangay sa Cabanatuan, kinatatakutan ang salarin ng pambabato sa kanilang mga bahay

Barangay sa Cabanatuan, kinatatakutan ang salarin ng pambabato sa kanilang mga bahay

- Dalawang linggong ginambala ng pamababato ang barangay Valle Cruz sa Cabanatuan

- Di nila agad nalaman kung sino ang may kagagawan ng pambabato kaya humingi na sila ng tulong

- Laking gulat ng mga residente nang malaman kung sino ang may kagagawan ng pambabato at mula noon ay di na ito naulit pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Malaking perwisyo ang naidulot ng nambabato sa barangay Valle Cruz na tumagal ng dalawang linggo.

Sadyang nagambala ang mga residente sa pagpatak noon ng gabi, mapamaliit hanggang sa malaking bloke ng bato ay pumapatak sa kanilang mga bubungan.

Dahil sa hindi nila malaman laman noon kung sino ang may kagagawan nito, binalot ng misteryo ang pambabato na pinaniwalaang kagagawan daw ng kapre.

Sa programang Kapuso mo Jessica Soho, tumulong na ang kanilang team upang masagot na ang misteryo ng pambabato sa barangay na ito sa Cabanatuan.

Unang araw pa lang ng pagpunta nila sa lugar, nasaksihan mismo nila ang mga lumilipad na mga bato sa bubungan ng mga bahay doon.

Pagtuntong daw ng alas sais ng gabi magsisimula na ang pambabato na aabot hanggang alas otso ng gabi.

Ang nakapagtataka, sa loob ng dalawang oras araw-araw sa loob ng dalawang linggo, di nila nahuli kung sino ang may kagagawan nito.

Kaya naman pagsapit ng umaga, makikita ang mga bato sa bubungan ng mga bahay at ang malas pa ay kung sa lakas ng lagpak ng bato, mayroon pa itong tama.

Dahil dito, nagsimula na ang pambibintang sa mga magkakapitbahay. Ngunit wala rin namang umamin.

Isa sa mga residente ang nakapagsabi na posibleng di raw tao ang gumagawa nito. Nakararanas daw sila na tila ba ay may nakatingin at nagmamasid sa kanila paggabi. Hinala nila, ito raw ay isang kapre.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang nasabing ito ng residente ay sinegundahan ng albularyo ng lugar. Nakikita rin daw niya ito na aali-aligi sa kanila.

Ayon pa sa albularyo, ito raw ang namababato dahil ayaw nito ng ingay.

Kaya naman, pinasuri ng KMJS sa isang paramnormal expert ang lugar. Halos tumugma sa hitsura ng isang kapre ang nakita ng eksperto na itim na elemento.

Sa pahayag ng paranormal investigator, nagambala daw ang mga elemento dahil sa may nasunog daw sa lugar ng mga ito. Mayroon ding naputol na puno na inakala ng mga ito na hinahamon sila ng mga tao.

Sa pangatlong araw, humingi na ang barangay ng tulong sa pulisya. Sa pamamagitan din ng mga kinabit na CCTV, doon nasagot ang misteryo kung sino ang mgay kagagawan ng pambabato.

Alas siete ng gabing iyon nang mahagip ng CCTV ang isang batang lalaki na pumapanhik sa bubong.

Nang ipaalam ito ng KMJS sa barangay, nalaman nila na noong mismong gabi na nakunan ng CCTV ang binatilyo, naaktuhan na pala ito ng bantay bayan sa lugar at kinausap na ito.

Bagaman at labis ang perwisyo ng binatilyo, prinotektahan pa rin siya ng bantay bayan at baka makuyog daw ang batang lalaki.

Pinakausap sa DSWD ang batang lalaki na nakunan sa video kasama ang ina.

Bagaman at inamin ng binatilyo na siya ang nasa CCTV, noong gabi lamang daw na iyon niya ito ginawa at di siya ang gabi gabing pambabato.

Ang nakapagtataka pa sa kanyang salaysay, nagulat daw siya sa aso kaya nagawa niyang mamato. Pinagtakhan ito ng mga barangay dahil kung aso ang babatuhin niya, bakit daw bubong ang binabato nito.

Nag-sorry naman ang binatilyo at sinabing di na niya ito uulitin.

Doon napag-alaman nila na biktima raw ng pambu-bully ang bata sa paaralan at maging ng mga kapitbahay na nakakasabay niyang maligo sa sapa.

Dahil dito, sasilalim sa counselling ang binatilyo at psychological evaluation. Mula noon, natahimik na barangay at di na muling naulit ang pambabato.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica