Construction worker hinangaan sa paggalang sa pambansang awit sa kabila ng delikadong pwesto
- Sa kabila ng delikadong posisyon, nagawa pa ring huminto at tumayo ng construction worker bilang paggalang sa pambansang awit
- Nakunan ng larawan ang construction worker na noo'y nasa itaas na bahagi ng isang gusali
- Labis na hinangaan ng mga netizens ang ginawa ng worker na ito at dapat lamang daw na siya ay tularan sa paggalang at pagmamahal sa bayan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Binahagi ng Hanep TV ang larawan ng isang construction worker na huminto sa gawain at nagbigay pugay sa watawat ng Pilipinas habang ginaganap ang flag ceremony.
Bagaman at nasa mataas siyang kinalalagyan, nakakapit ang isa niyang kamay sa mga barikadang kanya ring tinutungtungan habang ang kanang kamay ay nasa kaliwang dibdib.
Nalaman ng KAMI na Senior citizen na raw pala ang worker na ito ng San Fernando, Pampanga.
Kung tutuusin, sa taas ng kanyang kinalalagyan at dahil sa sila naman ay nagsisimula nang mmagtrabaho, di mo na aasahan na magbibigay pugay pa siya sa watawat at sa pagkanta ng 'Lupang Hinirang'.
Di man na pangalanan ang lolo na construction worker, dapat lamang daw siyang tularan sa kahanga-hanga niyang ginawa sa pagiging maka-Pilipino.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Narito ang ilan sa komento ng mga netizens:
"Saludo kmi sayo kuya... kadamihan kasi ngayo wla ng galang sa pangbnsang awit eh..walana pake alm"
"Buti pa siya nirerespeto niya yung iba at isang senador balak pa palitan yung lyrics"
"Napalaki na may disiplina at paggalang... Naipakita mo sa sambayanan na may pagmamahal ka sa ating bayan di lamang sa isip, salita kundi sa gawa.... Saludo ako sayo Manong"
"U are a true hero. Mahal na mahal mo ang ating bayan. Salute ako sa iyo"
"siya ang maging huwaran sa atin lahat.mabuhay ka kuya."
"Yan Ang tunay at dugo pilipino...salute po kuya."
"Wow tapos matanda n c kua at mataad p ung pwesto nya proud pinoy po"
You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.
Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh