Vilma Santos, bet na bet ang 3 Kapamilya young heartthrobs na makatrabaho

Vilma Santos, bet na bet ang 3 Kapamilya young heartthrobs na makatrabaho

- Aminado raw ang Star For All Seasons na si Vilma Santos na may tinanggihan siya na mga movie projects sa nakalipas

- Kaya naitanong umano sa kanya kung kailan kaya siya gagawa ng pelikula ulit at pag-amin ng multi-awarded actress na meron daw tatlong script na tinanggihan niya

- Sa pagpapatuloy ng balita ay nagbigay ng tatlong pangalan ng mga sikat na young Kapamilya heartthrobs si Vilma na gusto umano niyang makatrabaho

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naispatan ng KAMI ang panayam ng aktres na si Vilma Santos at sa naturang interview raw ay nabanggit ng Star For All Seasons ang 3 Kapamilya young heartthrobs na gusto niyang makasama sa isang pelikula.

Una ng inamin ng grandslam best actress na may mga offers na siyang natatanggap pero inayawan niya daw.

May tatlong scripts daw na tinanggihan niya.

Ani pa ni Vilma:

“Wala pa akong tinatanggap though I have mga script. But you know what pakiramdam ko, sometimes kapag nakikita ko na yung synopsis, alam ko kaagad kung okay, e."

Guest daw ang Star For All Seasons sa The Bottomline ni Boy Abunda, nais daw niyang gumawa ng pelikula kasama sina Daniel Padilla, Joshua Garcia, at James Reid.

Kaya naitanong daw ito sa kanya kung bakit silang tatlo.

Ayon umano kay Vilma Santos:

“Gusto ko silang makasama sa movie, kahit nga sabay-sabay sila, e.Humanap tayo ng istorya na sabay-sabay sila.Being a senior na rin sa showbusiness, junior lang pala. Hahaha!"

Dagdag pa niya:

“It’s nice to be with the new breed, e. Meron ka ring makukuha sa kanila which we can offer something different din sa movie audience. Kasi kung pareho pa rin ang gagawin natin, wala na. Kailangan merong konting pagbabago. At para magbago kailangan meron kang millennials na mga bagets."

Pagtatapos pa umano ni Vilma Santos:

“Humanap kayo ng script na ganyan, maganda yun. Something different na i-offer, di ba?”

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin

Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin

Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel