Batikang direktor Mike Relon Makiling ng maraming TVJ films, pumanaw na

Batikang direktor Mike Relon Makiling ng maraming TVJ films, pumanaw na

- Isang nakakalungkot na balita ang natanggap ngayon ng pelikulang Pilipino dahil ang isa sa mga beteranong direktor na nagdirihi sa maraming TVJ (Tito, Vic, Joey) films ay pumanaw na

- Ang respetadong direktor ay namaalam na sa edad na 86 taong gulang, pagkatapos nakipaglaban umano sa sakit na colon cancer

- Siya ay yumao ng October 11, Huwebes, ayon pa sa Facebook post ni Mell Navarro, ang naghatid ng balita sa pagpanaw ng naturang direktor

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman ng KAMI na ang beteranong direktor Mike Relon Makiling ng maraming mga pelikula ng grupong TVJ na binubuo ng mga orihinal Eat Bulaga dabarkad na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon ay namaalam na.

Ayon pa sa balita na nasagap ng aming grupo sa Philippine Entertainment Portal o PEP, ang anunsyo ay inihatid ng kanilang contributor umano na si Mell Navarro, kani-kanina lang.

Pumanaw ang batikang direktor pagkatapos lumaban sa sakit na colon cancer ngayong araw ng Huwebes, October 11.

Si Direk Mike ay namaalam sa edad na 86 years old, na unang binalita umano na na-confine sa hospital noong Hulyo sa taong ito, at doon rin daw nalaman ng kanyang pamilya ang sakit niyang colon cancer.

Nagkaroon daw ng ilang kumplikasyon ang kanyang karamdaman subalit tumanggi umano ang batikang direktor na sumailalim sa tinatawag na NGT o Naso-Gastric Tube at life support.

Kahapon umano, October 10, na-coma ang beteranong direktor, at ilang oras lamang ang lumipas ay binawian na raw ito ng buhay.

Sa halos 30 years umano na pagiging aktibo ni Direk Mike bilang isang direktor at screenwriter simula late '70s hanggang early 2000s, ay nakagawa na raw siya ng halos 90 films at karamihan daw nito ay may mga temang comedy at action.

At karamihan raw sa mga pelikulang ito ay ang mga hit films ng TVJ nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

Condolence po sa mga naiwan na pamilya ng batikang direktor.

On a different note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin

Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin

Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel