Dating guro at OFW, tinagurian na ngayong "Bangus Queen ng Dagupan"
- Sa capital lamang ng ₱500 noong 1989, nakapagsimula ng bangus business si Fe Vidal
- Dating guro ng pampublikong paaralan si Fe at sinubukan din niyang mangibang bansa ngunit mas pinili niyang bumalik sa bansa para sa kanyang mga anak
- Naging matagumpay ang kanyang bangus business kaya naman tinagurian siyang "Bangus Queen ng Dagupan"
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Noon pa man ay hinaing na ng mga guro sa pampublikong paaralan ang liit daw ng kanilang kinikita, kaya namang naisip ni Fe Vidal na mangibang bansa na lamang.
Ngunit, di rin niya matiis na mawalay sa mga anak na alam niyang kinakailangan ang kanyang kalinga kaya naman nagbalik na lamang siya sa Pilipinas.
Taong 1989 nang naisipan niyang pasukin ang bangus business. Nasaliksik niyang maayos ang produksyon ng bangus sa kanilang lugar kaya ito ang naisip niyang i-negosyo.
Sa halagang ₱500, nakabili siya noon ng 20 piraso ng bangus na kanyang prinoseso. Sa una'y mga kaibigan at kamag-anak ang una niyang binentahan.
Parte ng kanyang diskarte ang pagdadala ng kanyang produkto sa paghahatid niya ng kanyang mga anak sa eskwelahan para mapagbentahan ang mga kapwa niya nanay at yaya ng ibang bata.
Agad na pumatok ang kanyang processed bangus hanggang sa tuluyan itong lumago. Dahil narin sa mga sabi-sabi at referrals, nagkaroon siya ng regular customers.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Mula sa 20 pirasong bangus noong siya ay nagsimula, naging libo libong bangus na ang kanyang nagagawa at naibebenta sa isang araw.
Bukod dito, nagkaroon na rin siya ng iba't ibang timpla ng bangus gaya ng daing na bangus, tinapa bangus, belly bangus, rellenong bangus, lumpia bangus, at embutido bangus na patok na patok din sa kanyang mga suki.
Ngayon, kilalang kilala na ang CBN Bonuan Boneless Bangus (kuha sa initials ng kanyang mga anak ang CBN) di lang sa Dagupan kundi sa buong Pilipinas.
Dahil sa tagumpay na kanyang tinatamasa sa negosyo, tinagurian siyang 'Bangus Queen' sa Bangus capital of the Philippines, ang Dagupan.
Wala naman daw ibang sekreto si Fe sa paglago ng kanyang negosyo kundi ang paninigurado na laging sariwa ang mga bangus na kanilang ginagamit nang sa ganun masiguro rin niya na masisiyahan ang kanyang mamamili.
Dahil sa kanyang pagsusumikap at pagpupursige na nag bunga talaga ng kasaganaan sa kanyang negosyo, naparangalan siya bilang isa sa mga inspiring Filipina entrepreneurs sa Go Negosyo's 7th Filipina Entrepreneurship Summit noong Marso 6, 2015 sa World Trade Center.
You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.
Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh