Hashtag pwede na ikuwento daw! Sharon Cuneta and Richard Gomez love story

Hashtag pwede na ikuwento daw! Sharon Cuneta and Richard Gomez love story

- Kamakailan nga ay binahagi ni Megastar Sharon Cuneta ang nakakakilig na love story niya at isa na rito ay ang kay Richard Gomez

- Ang ShaGoms, reel at real loveteam noon, ay talaga namang minahal ng marami dahil may chemistry naman talaga sina Sharon at Goma

- Dahito dito, tila mapapathrowback tayo sa kanilang love story, na una na ring ginawa ni Mega sa GGV, pwede na raw ikuwento

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isa sa minahal at pinag-uusapang husto na reel at real love story noon ay ang kina Megastar Sharon Cuneta at Richard Gomez.

Ang isa sa maraming dahilan ay super sikat naman talaga ang dalawa at bukod pa rito, talaga namang may kilig umano ang kanilang loveteam.

Kaya move a bit muna mga KathNiel, LizQuen, ElNella, at JaDine dahil babalikang tanaw muna namin ang unang loveteam na nagpatibok rin sa puso ng Pinoy ang ShaGoms.

At ngayon, sa muling balik tambalan ng hashtag ShaGoms ay sisilipin ng KAMI ang magandang istorya ng reel at real loveteam, noon at ang buhay nila ngayon.

May comeback film ang tambalang Sharon Cuneta at Richard Gomez at nagsimula na nga mag-shoot ang dalawa para sa kanilang reunion movie.

Sila ay gaya rin ng karamihang mga loveteams na nagsimula bilang reel sa mga pelikula at shows hanggang naging real.

Inamin umano ng Megastar na si Richard ay isa sa kanyang great love.

Pag-alala pa daw ni Sharon:

"Later when he was my boyfriend na, nasa akin na yung shirt n'ya na 'yan, which I put inside his pillowcase with his pillow and every night nilalagyan ng pabango niya. Mga bagets hahahahaha."

Sa kalaunan ay nagkahiwalay sila at nag-asawa si Sharon kay Kiko Pangilinan at habang si Richard ay napangasawa ang magandang babae na si Lucy Torres

Pero nanatili silang magkaibigan kaya naman nag-guest si Richard sa concert ni Sharon noong September 28 sa Araneta Coliseum.

Kaya naman excited ang mga faney dahil after 15 year sumano ay muling nagsama ang dalawa.

Una naming naispatang ang throwback kuwento ng love story nina Sharon Cuneta at Richard Gomez sa GMA News Online.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV

"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV

"Anong nangyari?!" Bea Alonzo nang makita ang mukha ni Pia Wurtzbach sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel