Di lang pala si Gretch! 11 Pinay celebs na di-alam ng marami ay biktima ng harassment

Di lang pala si Gretch! 11 Pinay celebs na di-alam ng marami ay biktima ng harassment

- Marami na palang celebrities and nakaranas ng harassment

- Di lang si Gretchen ang nagkaroon ng di kanais-nais na karanasan

- Meron sa kanila ang pinaghubad nang nag-audition pa lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang problema tungkol sa harassment sa workplace ay hindi lamang pala sa ngayon nangyari, matagal na ito.

Nalaman ng KAMI na sa katunayan nga, ito ay nagsimula sa kapanahunan pa ng ibang mga matandang aktres na ngayon.

Kilalanin kung sinu-sino ang mga aktres na dumanas ng harassment at kung paano nila nalampasan ang madilim na panahon ng mga buhay nila.

Yasmien Kurdi

Taong 2009 nang magsampa ng kasong acts of lasciviousness si Yasmien Kurdi laban kay Baron Geisler. Nagpakita daw ng kabastusan si Baron sa aktres habang nasa taping. Bukod sa acts of lasciviousness, nagsampa rin ng unjust vexation ang aktres.

Kat Alano

Ang modelong si Kat Alano ay dinetalye sa isang podcast noong April 24, 2016 ang panggagahasa sa kanya ng isang public figure. Kuwento ni Kat, itong public figure ay naghatid sa kanya sa kanyang apartment pagkatapos daw nila magkainuman at dito na raw siya sapilitang ginahasa.

Maureen Mauricio

Di lang pala si Gretch! 11 Pinay celebs na di-alam ng marami ay biktima ng harassment

Di lang pala si Gretch! 11 Pinay celebs na di-alam ng marami ay biktima ng harassment
Source: Facebook

Sino ang mag-aakalang pinaghubad pala si Maureen noong 12 years old pa lamang siya ng direktor noong siya'y nag aaudition.

Patrizha Martinez

Ang anak nina William Martinez at Yayo Aguila ay nagsampa din ng kasong acts of lasciviousness laban kay Baron Geisler noong 2008 dahil siya'y hinipuan daw ng aktro sa isang Makati bar.

Julia Clarete

Si Baron Geisler din ang nireklamo ni Julia noong siya'y TV host ng Eat Bulaga. Ayon kay Julia, ito ay nanghipo nang kumakanta si Julia sa stage.

Maggie Wilson

Noong kandidata pa sa Miss World 2017 si Maggie, hindi siya nagdalawang-isip na sampalin ang Chinese sponsors ng nasabing pageant.

"Chinese sponsors sila, isang malaking kumpanya. Nabastos ako. Ay, sinampal ko talaga siya, 'no! 'Yung humawak sa akin. Sabi ko, 'Don't touch me!' Ginanu'n ko siya. Diyos ko, I'd rather have my dignity, 'di ba? I'd rather have my dignity than pumayag ako na bastusin ako para manalo ako, 'di ba?"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Cherry Pie Picache

Pati ang batikang aktres na si Cherry Pie ay nakaranas ng pambabastos mula kay Baron. Ayon sa complaint, lasing si Baron noong hinipuan niya si cherry noong may taping sila.

Rhian Ramos

Isang lasing din na lalake ang nang-harass kay Rhian sa isang bar. Dahil dito, namigay si Rhian ng pepper spray sa MRT Ayala Station noong Valentine's Day 2017.

Sunshine Cruz

Isiniwalat ni Shine na siya'y ginahasa daw ng ex-husband na si Cesar Montano noong Mother's Day 2013. Nakaranas din daw siya ng pambubugbog mula dito.

Ambra Gutierrez

Si Ambra ay Filipina-Italian model na naging biktima ng misconduct ng producer na si Harvey Weinstein.

Gretchen Fullido

Eto ngayon ang pinakamasigabong na pasabog dahil nagfile ng harassment complaint si Gretchen laban sa dalawang execs ng ABS-CBN. Sa isang report ng KAMI, ipinakita kugn ano ang mga text messages na natatanggap ni Gretch mula sa kanila.

Cool set of exercises that you can do at work to keep fit from our coach Chrystalle - on Kami YouTube channel This video helps you to keep fit even if you're at the desk all day. These are exercises that are simply very easy to follow and do.

Source: Kami.com.ph

Related news
Saranghaeyo Oppa! Top 13 Filipino celebs na kinababaliwan ng mga kababaihan

Saranghaeyo Oppa! Top 13 Filipino celebs na kinababaliwan ng mga kababaihan

Saranghaeyo Oppa! Top 13 Filipino celebs na kinababaliwan ng mga kababaihan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel