Hashtag twins! 6 Celeb parents na may mga anak na kambal

Hashtag twins! 6 Celeb parents na may mga anak na kambal

Talaga namang doble-doble ang biyaya at saya ng mga kilalang mga celebrities na ito dahil sa kanilang mga twins na anak.

Hindi lahat ng mag-asawa ay nabibiyayaan ng mga kambal na anak, at ang 6 celeb parents na mga ito ay mga bukod tanging binayayayaan ng mga kambal na anak.

Kaya naman ating tingnan kung sinu-sino ang mga sikat na celebrities' parents na ito sa top 6 listahan ng KAMI.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1. Eddie Gutierrez and Annabelle Rama

Bukod pa kay Ruffa Gutierrez, ay may dalawang anak pa ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama na nasa showbiz at ito ay ang kambal na sina Richard at Raymond Gutierrez.

Una silang pinakilala bilang ang mga cute na kambal na sina Kokoy at at Totoy, sa '80s film na 'Kambal tuko' na pinagbibidahan nina Susan Roces at Eddie Gutierrez.

Ngayon, si Raymond ay nalilinya sa mga international scenes gaya sa fashion world at isang magaling na TV host rin siya.

Habang si Richard naman ay isang certified Kapamilya na, mula sa pagiging Kapuso ng ilang taon.

Unang sabak niya sa ABS-CBN ay ang hit teleserye na La Luna Sangre kasama ang King and Queen of Hearts na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

2. Aga Muhlach and Charlene Gonzales

Ang mag-asawang Charlene Gonzales at Aga Muhlach ay dalawa lang sa mga sikat na artista na may mga kambal na anak.

Pinagkakaguluhan at pinag-usapan ang twins na sina Andres at Atasha dahil na rin sa kanilang mga good-looking features na kuhang kuha o manang mana nila sa kanilang mommy at daddy.

Talaga namang mga mini-mes ang dalawa nina Aga at Charlene.

3. Zoren Legaspi and Carmina Villaroel

At ang isa sa pinakaminamahal na couples sa showbiz na sina Zoren at Carmina ay nagbigay buhay ng mga good-looking twins,na sumikat rin dahil sa kanilang angking galing, talino, at good looks, na sina Cassy at Mavy Legaspi.

Ngayon, mga certified Kapuso na sina Cassy at Mavy Legaspi, at ang unang show na isasabak sila ay ang bagong Sunday musical variety show ng GMA ang Studio 7.

4. Jerika Ejercito and Miquel Aguilar Garcia

Ang panganay ni Joseph Erap Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez ay nanganak rin ng panganay sa Spanish husband nito.

Si Jerika ay pinanganak ang dalawang napakacute na kambal na sina Michael at Daniel noong January 18, ngayong taon, ayon na rin sa balita.

Talaga namanng agaw-pansin sa online world ang napakacute na mga babies na ito.

At they are well taken care of and loved ng kanilang kuya Isaiah, ang anak ni Jerika kay Bernard Palanca.

5. Joel Cruz

Ang perfume mogul na si Joey Cruz ay may tatlong super cute na pares ng kambal.

Meet Prince Sean, Princess Synne, Harry, at Harvey, ang dalawang pairs ng adorable twins ni Joel Cruz.

At ang nakakagigil sa ka-cute-tan ang youngest set ng mga twins na sina Charles at Charlotte.

Kung ganito ba naman ang mga mukha na makikita mo araw araw sa trabaho ay talaga mawawala ang stress mo.

6. Bembol Roco

Ang batikan at beteranong aktor na si Bembol Roco ay hindi lang kilala sa husay niyang umarte kung hindi pati na rin sa kanyang mga gwapong kambal na anak na sina Felix at Dominic Roco.

Gaya ng tatay nila ay magaling din sa pag-arte ang kambal na mga actors na ito.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Woman shares how God helped her through mental disorder

Woman shares how God helped her through mental disorder

Woman shares how God helped her through mental disorder
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel