Lotto winner, inaalala ang dating hirap ng buhay na halos ipamigay na nila ang mga anak
- Nagbalik tanaw ang lotto winner na si Bernadette Katigbak sa panahong hirap sila sa buhay bago pa sila manalo sa lotto
- Di raw niya ito makakalimutan dahil nang araw na nanalo sila, tatlong araw na silang di nag-uusap ng kanyang mister
- Naipundar naman daw ni Bernadette ang perang napanalunan ngunit pumanaw naman ang kanyang mister
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Right timing daw ang mister ni Bernadette Katigbak na si Palermo sa pagkapanalo nito lotto.
Inalala ni Bernadette ang panahong iyon dahil sa gipit daw talaga silang mag-asawa at nalubog na rin sa utang.
Nalaman ng KAMI na paggawa ng basahan ang pinagkukunan ng pang-araw araw na gastos ng pamilya nina Bernadette. Ngunit di raw talaga sapat ang kinikita nila upang tustusana ng pangangailangan nila lalo na ng tatlong anak.
Bukod kasi sa pagkain at iba pang kailangan sa araw-araw, nagsusubi na rin daw ng pantaya sa lotto si Palermo. Kahit gipit, gagawa raw talaga ito ng paraan upang makataya.
Ito raw kasi ang isang paraan na naiisip nila upang makaraos sa hirap ng buhay. Sa tindi nga ng dagok ng pangangailangan nila ng salapi, sumagi sa isip ni Palermo na ibigay na lamang ang kanilang mga anak sa kamag-anak nila sa abroad na walang supling.
Dumagdag pa sa kanilang suliranin ang pagkaka-stroke ni Palermo kaya naman lalong nalubog sa utang ang mag-asawa.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Kaya naman nang manalo sila sa lotto, malaki talaga ang nabago sa kanilang buhay. Ito ang umahon sa kanila sa lugmok na buhay ng kakapusan ng pera.
Naipundar naman nila ito sa pagpapaayos ng sariling bahay at pagpapatayo ng 10 pitak ng mga paupahan.
Ngunit, sandali lamang naramdaman ni Palermo ang ginhawa nang bawian ito ng buhay dahil sa sakit sa kidney. Bagaman at malaking bagay na may panggastos sila sa pagpapagamot sana ni Palermo ngunit natuluyan pa rin ang pagpanaw nito.
Likas na magagaling daw kumanta ang mga Pinoy, totoo ba? Maaari bang kumanta ang mga Pilipino? Alamin Natin! - Philippines Street Karaoke | HumanMeter on KAMI Youtube Channel
Source: KAMI.com.gh