Transgender woman, nakaranas daw ng matinding diskriminasyon sa MRT-3
- Binahagi ni Mikki Galang kung paano siya nakaranas ng diskriminasyon sa MRT-3
- Hinarang daw siya ng guwardiya na sumakay sa bahagi ng tren na pambabae
- Nahuhuli na raw ang Pilipinas sa mga patakaran na makapagbibigay karapatan sa mga miyembro ng LGBTQ
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa kanyang facebook post, binahagi ng transgender na si Mikki Galang kung paano siya nakaranas ng diskriminasyon sa MRT-3.
Ginawa raw niya ito di para kaawaan ngunit para ipagbigay alam na hanggang ngayon ay di parin nagkakaroon ng malawak na kaalaman ang mga Pinoy pagdating sa mga karapatan ng miyembro ng LGBTQ.
Laking gulat daw nina Mikki at ng kanyang mga kasama nang sitahin sila ng guwardiya ng MRT-3 at sinasabing di sila maaring sumaky sa bahagi ng tren na pambabae dahil sila ay mga 'lalaki'.
Patuloy parin ang pagtatanggol sa kanya ng mga kaibigan ngunit di ito umubra sa guwardiya na siyang sumita sa kanila.
Ayon pa sa post ni Mikki, wala naman daw SOGIE bill dito sa bansa na siyang magpoprotekta sa karapatan nilang miyembro ng LGBTQ.
Matapos ang naturang insidente, sinabi ni DOTr communications director Goddes Libiran na di raw nila hahayaang mangyari pa muli ang ganitong diskriminasyon sa MRT-3.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Dagdag pa ng DOTr communications director na dahil sa nangyari,pangangaralan daw nila ang mga staff lalo na ang mga security guards na maging sensitibo sa ganitong mga issue.
Samantala, samu't sari namang mga reaksyon ang naihayag ng mga netizens patungkol sa issue na ito.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"in this issue i think the mrt guard is right.. gender is define as male or female.as long as you're born male you cannot say you are a female.yes you can be female in looks but not in nature.there is no discrimination in this incident the guard is right.this is also for security reason any man can pretend as a woman by just wearing a woman's outfit."
"Actually naiintndhan ko si Manong Guard. Wala akong issue sa LGBT may mga kakilala ako at friends classmates pero at the end of the day pag linya ng babae dpt linya lang talaga ng babae. Sa totoo lang ang gulo. Paki Define po ang salitang babae/Girl/woman."
"no matter what her/his gender she/he is a person a human being and deserve some respect."
"Nxt tym siguro para hindi na sila umiiyak na konting kibot lng nadidiscriminate na daw sila..lagyan nlang ng Identity..kung naging babae na,tawaging artificial woman,kung naging lalaki nmn,artificial man..2 lang kasi ang pagkikilanlan eh,babae at lalaki lng..tama nmn ung guard,hindi mo sya masisi.."
"Kahit sabihin mo na transgender ka, lalaki ka pa rin. Tama lang yung security guard. Yan ang sinasabi ko, acceptance sa sarili na tanggapin nyo kung ano kayo, hindi yung idadamay ninyo ang batas na gawin babae ang bakla at gawing lalaki ang tomboy. Common sense lang po. Masyado kayong demanding. Kaya hindi dapat isabatas ang SOGIE law."
Sa mahal ng sili ngayon, pwede na raw itong pambayad sa halip na pera! Shili Prank sa Pilipinas: Peppers sa halip ng pera! | HumanMeter on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh