Gr. 5 student, nagtago sa mga kaklase dahil nahihiya sa kanyang baon

Gr. 5 student, nagtago sa mga kaklase dahil nahihiya sa kanyang baon

- Viral ngayon ang nakakaantig na post tungkol sa batang lalaki na toyo at suka lamang ang ulam

- Nagtago pa raw ito sa mga kaklase sa sobrang hiya sa kanyang nakayanang baon

- Naantig naman ang puso ng mga netizens at humanga rin sa bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng Facebook user na si Fhieljoy Curiba ang kwento ng isang Grade 5 na batang lalaki na nagtatago sa kanyang mga kaklase.

Nang tanungin daw ni Fhieljoy ang bata kung bakit ito nagtatago, inamin nitong nahihiya kasi sa kanyang baon.

Nakita raw ni Fhieljoy na may kanin ang bata ngunit sachet lamang ng toyo at suka ang ulam nito.

Sinubukan din niyang tanungin ang bata kung saan ito nakatira ngunit nanatiling nakatungo ito at tila lalo pang nahiya. Nguniit nalaman naman ni Fhieljoy na ang bata ay nag-aaral sa San Mateo Elementary School in Tungao, Butuan City.

Bibilhan pa sana niya ito ng pagkain ngunit wala raw mabilhan sa malapit. Naisip niyang dalhan na lamang ito sa susunod na makita niya muli roon ang bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, labis na hinangaan ang batang lalaki dahil sa pagpupursige nito sa pag-aaral. Kahit pa hindi kasing sarap ng ulam ng mga kaklase niya ang kanyang pagkain, pinili pa rin niyang pumasok at kainin kung anong baon ang meron siya.

Hangad din ng ibang netizens na huwag sanang sumuko ang bata at makahanap ito ng sponsor ng kanyang baon araw-araw.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Boy go kalang...mapalad ka boy wag mong isipin muna ang ulam nga yangon.alam ko dn lasa ng suka at toyo dahil madalas yan dn dskarte namin dati kaso mayhalo mantika yon sa amin.aral ka lang boy malayo maabot mo sa buhay."
"Proud of u boy...pinoy ka talaga...kahit walang wala nah, ngsisikap pa rin...galingan mo sa skul pra maging engr ka someday...."
"Pinag daanan dn nmn MG Ina yan halos Isang taon. Aasinso ka boy kc yan ang tatak sa isipan mo gawin mong inspiration yan"
"God bless you nak.."
"tiyaga lang dong balang araw makakaraos rin ikaw..tiyaga at sipag sa pag aaral may patutunguhan ka maniwala ka..manalig ka sa dios at wag kang suwail sa magulang mo..pretty sure ako may gantimpala si GOD sayo.."

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica