11 Beautiful things about Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano's love story

11 Beautiful things about Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano's love story

Isa na sa pinaka-inspiring at pinakamagandang love stories sa showbiz na ating narinig ay ang sa Ultimate Multimedia Superstar Toni Gonzaga at Direktor Paul Soriano.

Tila binago nila ang tingin ng mga tao tungkol sa mundo ng showbiz at pinakita nila na posibleng makahanap ng tunay na pagmamahal sa isang konserbatibo at tradisyonal na paraan kahit na sa mundo na kanilang ginagalawan.

June 12, 2018, ang ika 11 years nilang magkarelasyon, 3 years bilang mag-asawa.

At dahil pinakilig tayo ni Direk Paul Soriano sa kanyang "First Love" na sagot sa digital conference ng pelikula niya na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Bea Alonzo, kaya naman ang KAMI ay ipagdidiwang ang isa sa pinakaminamahal na couples sa showbiz na kilala sa tawag na PaulTin.

Heto ang 11 beautiful things tungkol sa pagmamahalan nina Paul Soriano at Toni Gonzaga sa mahigit isang dekada.

1. Buhay na buhay pa ang tradisyonal na panliligaw - "Courtship is not dead!"

Inamin nina Paul sa marami ng interview ang tradisyonal at konserbatibong panliligaw niya kay Toni Gonzaga.

Ika pa nga ni Paul, package ang Gonzaga family.

2. Pinatunayan ni Paul na ang tunay na pag-ibig ay pinagtatrabahoan at nirerespeto - "Effort matters!"

Naiyak din tayo sa kwento ni Celestine sa lahat ng efforts at pagtitiis at paghihintay na ginawa ni Paul ng halos 8 years nilang magkasintahan.

3. Sinunod nila ang strict rules ng Gonzaga parents at kahit gaano kahirap ay pinanindigan ni Paul ang kanyang pag-ibig kay Toni at sa pamilya nito - "Values at its best!"

Kahit gaano ka hirap ay pinanindigan nila ang mga payo at pangaral nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy.

4. Hindi sila takot na pintasan ang isa't isa para sa kani-kanilang mga karera - "Be each other's critic!"

Inamin na din nila dati na sila ay kritiko ng isa't isa sa kani-kanilang mga karera.

Sino pa ba naman ang magtutulungan at magbibigay suhestiyon, eh di ang taong pinagkakatiwalaan at mahal mo.

5. Pinatunayan nila na maaaring magtagumpay ang magkatrabaho na mag-asawa - "Sharing the same love and passion!"

Kahit noong magkasintahan pa lang sila ay nagkatrabaho na din sila ng ilang beses.

Si Paul ang naging director ni Toni sa MTV niya para sa hit single nitong Catch Me I'm Falling For You.

At ngayon, kasama na nila si Seve sa kanilang mga trabaho.

6. Cheer leader ng isa't isa - "Be each other's cheer leader!"

Kahit bago pa man ikasal o noong magnobyo pa sila Paul at Toni, mayroon silang mga sweet gestures ng pagcheer at pagsuporta sa kani-kanilang mga proyekto.

7. Mas pinipili nila ang simpleng pagdiriwang kaysa magarbosong romantic gestures - "The best moments are not those captured on camera but rather those captured by the heart!"

Hindi sila mahilig sa fabulous o grandiosong paghahanda o pagdiriwang dahil ika nga ni Paul ang best moments ay yung hindi naka-capture ng camera pero ng puso.

8. Ang kani-kanilang pamilya ay may magandang relasyon - "One big happy family!"

At sa kabila ng awayang pamilya sa showbiz ng mga in-laws, maganda tingnan ang Gonzaga-Soriano family na sumusuporta sa isa't isa bilang isang malaking pamilya.

Makikita mo sila palaging magkasama pag may mga event ng pamilya gaya na lang ng Baby Shower at Mother's Day.

9. Alam nila kung ano ang importante sa buhay nila - "Learn to know what matters and important!"

Higit sa lahat, alam nina Paul Soriano at Toni Gonzaga ang mas importante sa lahat, at ito ay ang kanilang pamilya.

At mga mahahalagang mga panahon at oras na ginugugol para sa pamilya gaya na lang ng pagbabakasyon.

10. Ang pagbubunga ng kanilang sagradaong pagmamahalan - "Their love in one!"

At hight sa lahat, nagbunga ang kanilang pagmamahalan pagkatapos ng ilang buwan ng kanilang pagpapakasal.

11. Patuloy na pasimpleng pakilig sa kanilang wagas at tunay na pagmamahalan - "True love waits and it wins!"

POPULAR: Read more news about Toni Gonzaga here

At kahit sila ay Mr. at Mrs. na, pinapasilip pa rin nila tayo sa mga nakakakilig at sweet gestures nila sa isa't isa.

Kamakailan nga ay ibinahagi namin ang overload na kiligan na sagot ni Paul tungkol sa "First Love," na kaugnay ng kanyan pelikula.

POPULAR: Read more news about Paul Soriano here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Apektado si baby! Jewel Mische faces 'devastating' condition few months after giving birth

Apektado si baby! Jewel Mische faces 'devastating' condition few months after giving birth

Apektado si baby! Jewel Mische faces 'devastating' condition few months after giving birth
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel