Base sa SWS survey, mas nabawasan na raw ang krimen sa Pilipinas ngayon

Base sa SWS survey, mas nabawasan na raw ang krimen sa Pilipinas ngayon

- Halos 2 million na pamilya ang nabawas sa dami ng mga nagrereport ng krimen simula Marso

- Ayon sa SWS survey ay 5.3% na lang ng populasyon ang nagrereport na biktima sila ng krimen

- Ito na ang pangalawa sa pinakamababang record sa administrasyon ni Pangulong Duterte

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Base sa report ng Social Weather Stations (SWS) survey para sa second quarter ng 2018. 5.3% o 1.2 million na pamilya na lang ang naitalang nag-report na sila ay naging biktima ng krimen.

Nalaman ng KAMI na mas mababa ito kumpara sa naging resulta noong Marso na 6.6% o 1.5 million na pamilya.

Tila proud na proud naman si Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde sa naging resulta ng survey dahil patunay ito sa effective nilang campaign laban sa krimen at droga. Kampante rin ang PNP Chief na mas kaya pa nila itong pababain.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Aniya, “Mapababa natin in the whole Philippines. Pababa na in the first two years of the Duterte administration.”

“Almost 50 percent ang pagbaba. Meaning, maganda ang programa ng administration na ito,” sabi ni Albayalde base sa report ng PTV News.

Ang kalimitang krimen na nirereport ay pagnanakaw, ‘break-ins’, at pisikal na karahasan.

Ang record na 5.3% ang pangalawa sa pinakamababang record sumunod sa naging 3.7% record-low noong 2017; ang pinakamababang naitala simula 1989.

In this episode of our series of pranks in the Philippines 2018, our host will ask strangers to hold his plastic cup for a while. And then several passersby will put coins in it… Are you ready to make some fun? - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)