Dahil sa pagmahal ng sili, mga Noypi ginawa na itong katatawanan
-Dahil naging headline ang pagtaas ng presyo ng sili, mga Pilipino ginawa na itong katatawanan
-Sa husay ng mga Pinoy sa paggawa ng mga memes sa kabila ng mga problemang pinagdaanan, pati sili 'di pinalagpas
-Ang mga Pinoy talaga, hindi paaawat kahit pa sangkaterba na ang pinagdaanan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Naging headline na ang pagtaas ng presyo ng sili na umabot na umano sa P1,000 kada kilo. Usap-usapan ito ng taong-bayan hanggang sa social media.
Hindi maikakailang mayroon itong epekto sa atin lalo pa at marami sa atin ang mahilig kumain ng maaanghang na pagkain.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Kaya naman ang mga Pilipino, hindi na nagpaawat pa sa paggawa ng katatawanan kaugnay ng pagmamahal ng presyo ng sili.
Sa ulat ng 24 oras, pampa-good vibes nang kanilang itampok ang mga memes na gawa ng ilan sa ating mga kababayan malupit mag-isip.
Patunay lamang ito na kahit pa ilang pagsubok pa ang dumating sa ating mga Pilipino, nakakaisip pa rin tayo ng mga bagay na ikalilibang ng marami.
Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Pinoy strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh