P5000 cash aid para sa mga OFW na apektado ng bagyong Ompong
-Ayon sa Department of Foreign Affairs, makakatanggap ng P5000 cash assistance ang mga overseas Filipino worker na apektado ang flights dahil sa bagyong Ompong
-Ayon pa sa DFA, DFA Assistance Desks sa Ninoy Aquino International Airport at Clark International Airport
-Mayroon ding requirements na kinakailangang ipakita ang mga apektadong OFW
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Bunsod sa bagyong Ompong, kinailangang magkansela ng ilang flights para na rin sa kaligtasan ng mamamayan.
Pero good news para sa mga overseas Filipino worker na apektado nito, magbibigay ng P5000 cash assistance ang Department of Foreign Affairs para sa mga ito, ayon sa ulat ng GMA News.
Ayon sa isang statement na inilabas ng DFA, kinakailangang magpunta ang OFW na apektado nito ng personal sa DFA Assistance Desks sa Ninoy Aquino International Airport at Clark International Airport at dalhin ang mga sumusunod:
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
airline ticket showing their original date of departure;
reissued ticket showing new date of departure;
Employment Contract; and
Overseas Employment Certificate
Ayon pa umano sa DFA, as of 10:00pm Saturday, nakapagbigay na sila nito sa 43 OFWs.
"More are expected to file claims with the cancellation of flights to Hong Kong on Sunday," ayon sa DFA.
Mananatili ang DFA team sa mga terminal ng paliparan hanggang Lunes mula 10:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi.
Samantala, ang ilan sa mga stranded na OFW ay makakakuha pa rin sa DFA Office of Migrant Workers' Affairs sa Pasay City at sa lahat ng DFA Consular Offices sa bansa mula 8 a.m. to 4 p.m. sa September 17 to 21, 2018.
Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Pinoy strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh