Best friends forever! Ang fabulous friendship nina Heart Evangelista at Lovi Poe

Best friends forever! Ang fabulous friendship nina Heart Evangelista at Lovi Poe

- Hindi man siguro alam ng nakakarami na ang dalawang Kapuso stars na sina Heart Evangelista at Lovi Poe ay mag best friends

- At dahil parehong fabulous ang dalawa in terms of their fashion sense and style kaya nakaka-inspire tumingin sa kanilang fab and famous BFF life

- Naispatan namin ang maraming pictures na magkasama ang dalawang matalik na magkaibigan at ang kanilang nakakatouch na messages sa isa't isa

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kamakailan lang ay naispatan ng KAMI ang fabulous snap ng dalawang fashion icons ng Pilipinas na sina Heart Evangelista at Lovi Poe.

Siguro isa sa mga bagay na talaga namang pinagkakasunduan nila ay ang mundo ng makeup at fashion dahil dito sila masyadong kilala.

Sila lang naman ay dalawa sa iilang social media influencer ng mga fab at stylish OOTD look at snaps sa Instagram.

Kaya naman ating silipin ang ilang larawan ng mag BFF na ito na deserve na deserve maging hashtag BFF for life at OOTD look goals.

Nagkatrabaho pala ang dalawa para sa cover ng isang sikat na fashion magazine, at nakakatouch naman talaga ang caption ni Heart sa litratong ito.

"Work doesn't feel like work when it's with your best friend..."

All glam up ang dalawa at super pretty naman talaga.

Pag ang best friend mo naman talaga ang katrabaho mo ay super ganda ng resulta ang mangyayari.

Both look fabulous and extremely pretty and gorgeous sa kanilang cover sa Mega para sa May 2018 issue nila.

"The power of femininity is at its greatest when formed on the foundation of empowering each other as women. Standing next to my best friend and reaching for the skies on the cover of @mega_magazine !"

Proud na proud naman si Lovi na ibahagi ang women empowerment nila ng kanyang best friend.

And they both love the beach too!

Di ba ang cute ng caption:

"BFF: Beach Friends Forever"

Enjoy ang spa sa beach kung may kasamang kwentuhan kasama ang best friend.

Pareho palang pinanganak sila sa buwan ng mga puso.

Si Lovi ay pinanganak noong February 11, 1989, at si Heart naman sa February 14, 1985.

Kaya siguro nagkasundo silang dalawa dahil parehong mga Aquarius.

Walang humpay ang tawanan pagkasama ang iyong BFF.

Ani pa nga ni Lovi sa kanyang caption:

"Just like two little girls giddy about this trip... "

Touch-ups at catch-ups sila habang nagprepare para umattend sa birthday ng ate ni Lovi na si Senator Grace Poe.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Will you be able to guess it?

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap

Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap

Sobrang apektado siya! Kris Aquino, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel