Klaudia Koronel, divorced na sa asawang Chinese-American

Klaudia Koronel, divorced na sa asawang Chinese-American

- Kasalukuyang nasa Pilipinas ang dating aktres na si Klaudia Koronel

- Binibenta niya ang isa sa mga properties niya (isang condo unit sa The Fort)

- Inamin niyang divorced siya sa asawang Chinese-American

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kasalukuyang nasa bansa ang dating aktres na si Klaudia Koronel na kilala dahil sa kanyang mga daring roles noon.

Inaasikaso niya ang pagbenta ng isang property niya kaya siya abala ngayon dito sa bansa. Naninirahan siya sa Los Angeles, California at nagtatrabaho bilang nursing assistant sa isang ospital.

Pabalik din umano siya sa Amerika sa October 5.

“Resident na ako dun, hindi ko na naasikaso yung mga property ko dito.”

Pinabulaanan niya ang lumabas na balitang naghihirap na siya.

“Hindi, hindi naman totoo yun.”

Divorced na si Klaudia sa kanyang husband na Chinese American.

“I think alam niyo naman yung sitwasyon nung kinasal ako na pinapipirma ako ng prenuptial agreement bago niya ako pakasalan.”

Ayaw niyang pumirma sa prenup agreement.

“Naniwala ako na mahal niya ako, na nag-promise siya na forever, na iingatan niya ako, mamahalin niya ako.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Pero dahil nga hindi ako pumirma dun sa prenuptial agreement, dahil bilang Pilipina, siyempre hindi ako naniniwala sa ganun.

“Thirty years old na ako nung nag-asawa ako, kasi gusto kong magkaroon ng asawa na responsible na aalagaan ako.

“Masyado akong mapili sa lalaking mamahalin ko,” saad niya.

Sa kabila ng mga narinig niyang pagtutol mula sa mga kaibigan at kapamilya, hindi niya iyon pinansin.

“Kasi mahal ko e, Ipinaglaban ko. Kahit sinabihan ako na, ‘Huwag yan, dapat kapananampalataya mo.'

“Inuna ko ang pagmamahal ko sa taong… iniwan ko kayo, iniwan ko yung career ko, iniwan ko ang family, iniwan ko yung anak ko, dahil sa pagmamahal ko sa lalaki.”

Naniniwala siyang walang third party dahil nagsasama pa rin umano sila kahit na divorced na sila at may sulat daw ang dating asawa na mahal pa siya nito pero kailangan daw niya itong i divorce.

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions?

Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions!

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! Who Is Neil Armstrong? These question might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel