Dalaga, nagpakasal pa rin sa namayapang boyfriend bago ito ilibing
- Nagawa pa ring magpakasal ni Zyrine na magpakasal sa nobyo niyang malamig nang bangkay
- Dahil di pinapayagan ng simbahan ang kasalan ng buhay sa patay, basbas ng pamilya nila ang kumilala sa kanilang pag-iisang dibdib
- Matagal nang magkasintahan ang dalawa ngunit sa kasamaang palad, nasawi sa isang aksidente si Jake
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Pinatunayan ng 19 taong gulang na si Zyrine ang pagmamahal niya sa nobyong si Jake Anthony Macadangdang sa pamamagitan ng pagpapakasal parin sa binata kahit pa ito ay malamig nang bangkay.
Matagal nang magkasintahan ang parehong tubong Cauayan City, Isabela mla pa noong sila ay nasa hayskul pa lamang.
Sa kasamaang palad, nasawi si Jake sa isang aksidente noon lamang isang linggo.
Di ito naging hadlang upang mapag-isang dibdib ang dalawang nagmamahalan.
Nalaman ng KAMI na dahil di pinapayagan ng simbahan ang pagpapakasal ng buhay sa patay, basbas ng mga magulang at kaanak ng magkabilang panig ang siyang kumilala sa pag-iisang dibdib ng dalawa.
PAY ATTENTION: Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Isinagawa ang seremonya bago tuluyang ilagak sa huling hantungan ang binata.
Samantala, umani naman ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
" Natawa ako sa mga comment nyo mga brad. Pero ang totoo niyan makalipas lng ng ilang buwan, taon, panahon, maghahanap din yung naiwan ng bagong makakasama niya sa buhay."
" Anu ba isisigaw ng nga mga tao pagkatapus ng kasal..."Mabuhay ang bagong kasal?"
"Guys wag kayong judgemental. Baka kasi bago mamatay yung lalaki e grabe ang pagmamahalan nila. Nagsumpaan sila sa isa't-isa na til death do us part. Love is powerful ika nga, it conquers all. Darating ang araw na makakapag-move on yung babae and makakahanap na ng kapalit but for now, let's just respect her and the same time, give some sympathy to her. In her mind siguro, wala na siyang mahahanap na ibang lalaki katulad ng lalaking namatay. Sa mga bitter and judgemental dyan, siguro di pa kayo nakakaranas ng tunay at makapangyarihang pag-ibig."
In this social experiment, you can see how different people react when a man throws a garbage bag right next to them. How will they handle the littering problem? Will, they pick it up or leave it? Philippines Social Experiment: Do Locals Care About The Environment? | HumanMeter on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh