Mikee Quintos nanginig sa takot kaharap si Cherie Gil sa epic 'Onanay' gulaman 'saboy' scene
- Sobrang takot ang naramdaman ni Mikee Quintos nang makaharap niya si Cherie Gil sa isang epic scene sa Onanay
- Sinabuyan siya ng gulaman ni Cherie Gil sa loob mismo ng paaralan
- Napahagulhol na lang si Mikee pagkatapos ng scene dahil sobrang ginalingan ni Cherie Gil
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Itinuturing na isang karangalan ng Onanay actress na si Mikee Quintos ang masabuyan ng inumin ni Cherie Gil.
Nalaman ng KAMI na talaga namang nanginig daw siya sa takot, yung kamay niya nanigas habang shinoshoot ang scene.
Sa nasabing eksena, pinuntahan ni Cherie si Mikee sa school upang komprontahin.
Nang may dumaang estudyanteng may dalang inumin, kinuha ito ni Cherie at sabay isinaboy sa mukha ni Mikee.
Nagbitiw pa siya ng mga linyang talaga namang masakit, "Let that dive right into your tiny, little skull and don't you ever forget it. Because you're nothing compared to my daughter. You're simply nothing!"
Sabi ni Mikee tungkol sa eksena, "Takot ako as in nginig, takot. Naramdaman ko mga kamay ko nanginig, and then naninigas akong ganun. Shock, grabe. Ang ganda ng bato ni Ms. Cherie ng lines niya. Kahit siya naiyak, unexpectedly,"
"Hagulgol talaga, hindi ako makabitaw kahit sa standby area," aniya. "Iba 'yung pagkabato ng linya compared sa 'Bituin' [movie] pero same kind of kurot, same kind ng sobrang liit ng feeling."
"It is an honor na tapunan ka ni Miss Cherie ng gulaman nang ganu'n," sabi ni Mikee. "Kung puwede mag-frame ng isang eksena maglo-loop lang, 'yon 'yung ipapa-frame ko sa aking room."
Talaga namang pagdating sa sabuyan, isang pangalan lang ang tumatatak sa isip ng lahat - Cherie Gil!
Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Tricky Questions: Can you translate this into English? on Kami YouTube channel This video shows the ability of Filipinos to translate sentences hurled at them into the universal English language.
Source: KAMI.com.gh