Netizen, huli ang bagong modus na "hingi pamasahe" sa may DLSU Taft

Netizen, huli ang bagong modus na "hingi pamasahe" sa may DLSU Taft

- Viral ngayon ang binahaging post ng isang netizen na nakapansin sa bagong modus di umano ng magpapanggap na nalaslasan ng bag

- Noong una ay nagbigay ang netizen kaya laking gulat niya ng nakita niya muli at ginawa ulit ito ng lalaking nagpapangap

- Umani ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang isang post ng Philippines Today kung saan isang netizen ang nagpaalam ng bagong modus na nagaganap sa jeep na masasakyan sa may De La Salle University Taft.

Nalaman ng KAMI na nakasakay ng netizen sa jeep ang isang lalaking maayos pa naman ang pustura.

Makikitang may laslas ang bag nito at nalaglag pa ang ilang gamit niya gaya ng susi at ID. Sa awa raw ng netizen, nagbigay ito ng halagang ₱175, na siyang pamasahe daw nito pauwi ng Laguna.

Ito ay naganap, noong nakaraang linggo ngunit muli na naman daw nakasakay ng netizen ang lalaki na pareho pa rin ang drama.

Dahil dito, naisip ng netizen na hindi talaga biktim ang lalaki kundi, siya ang nambibiktima.

Bagaman at wala pa namang naiulat na iba pang ginawa ang lalaki kundi ang mag"drama" at humingi ng pera dahil nga sa nahulugan daw siya ng wallet, mas mainam na mag-ingat pa rin ang mga nagko-commute sa lugar na nabanggit.

Samantala, umani naman ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens. Ang iba'y nagsasabi na baka naman wala lang talagang pera ang lalaki at di naman ito gagawa ng masama ngunit ang iba naman ay mas mabuti raw na mag-ingat pa rin sa lalaking ito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Nakasakay ko rin sya kanina sa taft. Yan din yung suot nya. Naliligo pa ba yan?"

"Nakasabay kona to From Cubao Arayat hanggang GMA sabe nya pa samen mga pasahero na taga Laguna pa sya galing daw syang Birthday ng Classmate nya! Wala daw pamasahe grabe nagbigay ako dito ng 250H nakakaawa kasi studyante, sinakripisyo ko pa yung allowance ko para sa kanya!!BAKLANG TOOOOOOOOOW MODUS PALA"

"kilalang kilala ko po yan, gnyan po talaga diskarte nyan dati sa munemento po yan. yes po totoong may slash po talaga bag nyan kasi ganun po diskarte nyan pag tinignan nyo po yung bag nyan sa loob nun bag din then yung suot naman nyan mga sir/mam patong patong isang sando,polo shirt,long sleeve then coat. dati din sabi nya nagtatrabaho daw sya sa rcbc makati mataas daw pusisyon nya don then ang malaman laman namin di pala isa lang syang manloloko sa munemento di lang sya nagiisa mga sir/mam madami po sila gnyan din ang suot. @mark niko alejo grabe kana magbago kana gago! magaling ka lang umarte pero sa batas di uubra yan. ps: budol budol din po yan. pps: magaling po gumawa ng kwentong walang kwenta yan magugulat po kayo maniniwala nalang kayo bigla. "

"hmm pabayaan nyo na lng guys ang magandang gawin jan guys pag pray nlng ntn na mag bago na sya!"

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

In this social experiment, you can see how different people react when a man throws a garbage bag right next to them. How will they handle the littering problem? Will, they pick it up or leave it? Philippines Social Experiment: Do Locals Care About The Environment? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
President Duterte says a priest died because of AIDS in Davao

President Duterte says a priest died because of AIDS in Davao

President Duterte says a priest died because of AIDS in Davao
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel