Magulang, kinuwestyon ang katinuan nang pangalanang "Drink Water" ang anak

Magulang, kinuwestyon ang katinuan nang pangalanang "Drink Water" ang anak

- Isang binatilyo ang gumawa ng ingay dahil sa naiiba niyang pangalan

- Tila nakuwestiyon pa raw ang katinuan ng kanyang magulang sa pagpapangalan sa anak ng ganito

- Kakaiba man ang pangalan, binayayaan naman ng talino ang binatilyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Aakalain mo talagang biro lamang ang pangalan ng binatilyong si Drink Water Rivera. Dahil sa Drink Water ang kanyang tunay na pangalan, "H2O" naman ang kanyang palayaw.

Nalaman ng KAMI na nakuha ang pangalan na ito sa naging employer ng ama ni Drink Water sa Saudi na tinatawag nilang "Mister Drink"

Ang buong pangalan ng employer na ito ay Drink Water. Dito nagkaroon ang ama ni Drink Water na iyon din ang ipapangalan kung siya ay magkaroon ng anak.

Kaya naman nang pinanganak si Drink Water, tila kinuwestyon pa ng mga taga ospital ang katinuan ng ina niya sa pagbibigay ng kakaibang pangalan na ito kay "H2O".

Ngayong binatilyo na si Drink Water, sumikat pa siya nang dahil sa kanyang pangalan. Maging ang kanyang mga kaibigan ay natutuwa na rin na para bang pinaalalahanan lamang sila na laging uminom ng tubig.

Bukod dito, gumagawa rin ng pangalan si Drink Water dahil sa angkin nitong katalinuhan. Sabi pa nga ng iba, marahil tubig daw ang susi ng galing at husay ni H2O.

Samantala, natuwa rin ang mga netizens sa naiibang pangalan ni Drink Water na mabilis tumatak dahil sa kakaibang mensahe nito.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

" Ayos, healthy reminder ang pangalan. dapat kapatid niya si 8 glasses"

" Sa sunod, Wilkins, absolute, summit..."

" Ewan ko lang kung magkaroon pa ito ng hit sa NBI"

" cool naman ng parents niya"

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica