Jeepney driver, libre sakay at pabaon sa mga batang hirap sa buhay

Jeepney driver, libre sakay at pabaon sa mga batang hirap sa buhay

- Isang jeepney driver ang nagmalasakit na pasakayin ng libre ang ilang bata na walang pamasahe

- Di lang niya pinasakay ng libre, nang malaman niyang wala itong baon, binigyan pa niya ito

- Labis na humanga ang mga netizen na nakabasa ng post at sana raw ay dumami pa ang katulad ng driver

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang netizen ang nagbahagi ng kabutihang ginawa ng isang jeepney driver sa mga batang walang baon.

Ayon sa Definitely Filipino, nasaksihan daw ng netizen na si Gener GV Victor Garcia ang kabutihan ng isang driver sa Bacoor, Cavite.

Nalaman ng KAMI na nasa walong bata ang pumara sa jeep. Nakiusap ang mga ito kung pwede na libre na lamang daw sila. Di naman nagalit ang driver at sinabing wala namang problema hangga't may libre pang mga upuan.

Sinabi pa ng driver na di niya sisingilin ang mga bata basta ipangako lamang daw ng mga ito na gagawa rin sila ng kabutihan sa kapwa.

Jeepney driver, libre sakay at pabaon sa mga batang hirap sa buhay
image: Definitely Filipino

Pabiro pang sinabi ng driver na baka raw balang araw ay humingi siya ng tulong at di raw siya mapagbigyan ng mga bata.

Nangako naman ang mga bata na magpapakabait sila at gagayahin nila ang kabutihan na ginawa ng driver.

Nang nauna na raw bumaba ang dalawang bata, tinawag niya ang isa sa mga nakasakay pang bata at kinumpirma kung siya ang nabigyan nito ng baon. Sumagot ang bata ng oo at sinabi ng driver na kapag natsempuhan muli siya nito kinabukasan ay bibigyan niya muli ito.

Jeepney driver, libre sakay at pabaon sa mga batang hirap sa buhay
image: Definitely Filipino

Dahil sa sobrang pagkamangha sa driver, binahagi ng netizen ang jeep na sinakyan bagaman at di niya natanong pa ang pangalan nito.

Samantala, di rin naiwasan ng ibang netizens na humang sa ginawa na ito ng driver. narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Finally, someone with good soul. God bless you manong."

"Kudos!!! love this!! God bless you sir."

"sa maliit n paraan....makakatulong k talaga....kahit mahirap k o isang kayod isang tuka.....daming mayaman s bansa...di sumagi s isip nila yan.....SALUTE to you Boss Driver"

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

How Do You Say. Cheers In Filipino? | HumanMeter on KAMI youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica