Babae sa LRT, gustong pababain ng mga pasahero sa pambabastos sa matanda

Babae sa LRT, gustong pababain ng mga pasahero sa pambabastos sa matanda

- Viral ngayon ang video at larawan ng isang babae sa LRT na di lang isa kundi dalawang beses nambastos ng nakatatandang pasahero

- Nag-iinarte daw ang babae sa siksikang tren na nagbunga pa sa pakikipag-argumento sa kapwa niya pasahero

- Nang marinig din ito ng ibang sakay ng tren, halos pagtulungan siya na pababain dahil sa pinakitang di magandang ugali

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post ng isang psaherong di umano'y nakaranas ng pambabastos ng kapwa niya pasahero sa LRT.

Ayon sa post ni Grace Ramos kasama niya raw ang kanyang anak nang sumakay sila sa LRT. Di sinasadyang masandalan ng bata ang bag ng babae dahilan sa siksikan nga ang tren.

Tinulak daw ng babae ang braso ng anak ni Grace at sinabing huwag sandalan ang bag. Sa gulat sa ginawa ng babae sa anak, sinabi niya bakit di na lamang ito nagtaxi kung ayaw nito ng siksikan. Agad na sumagot ang babae ng pabalang ng "pake mo."

Nang di na kinaya ni Grace ang di magandang pagsagot at asal ng babae, nasabihan niya ito ng "Ate, bastos ka ah", na sumagot naman ng "Bastos talaga ako at pumapatol ako sa matanda lalo na sa panget."

Nagpigil na lamang si Grace dahil nga sa may kasama siyang bata at doon, di na rin nakapagpigil ang mga kapwa nila pasahero sa labis na kasamaan daw ng ugali ng babae.

Halos napagtulungan na nga ito na pababain, tawagin ang guard at palabasin ng tren. Ngunit di pa rin daw tumigil sa patutsada ang babae.

Mayroon pa ngang nagsabi na bumili daw ito ng kotse at huwag nang sumakay ng tren. Sumagot pa rin ang babae na may kotse naman daw sila ngunit sayang sa gasolina.

Samantala, di rin maiwasang magngitngit ng mga netizen na nakabasa ng post. Narito ang ilan sa kanilang mga pahayag:

"PANGET NA UGALI PANGET PA FEZLAK... wow terno!!!! Boooom!!!"

"ate ang ganda m sobra hyang hiya kme s sobrang kgndahan m....tgnan m mna srli m bgo q mgslita ng pnget tumingin q mna s slmin ahhhh.........KAPAL aHhhhh"

"Nasan ba si berna ng mabugbog itong si madam Ganda. pkihanap ndin si 5mins girl, para sa 5mins na pag bugbog ni berba dto. hahaha"

"Hindi xa nagkotse kasi baka mmda makaaway nya pag sa kalsada xa naginaso"

"wow may pwesto un bag ni pangit,sa tao wala?"

" Hahaha ano naman kinalaman ng lawyer mong kuya? Kayabangan sagad sagad"

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, commend Vhong Navarro's girlfriend for outstanding Halik script

Netizens, commend Vhong Navarro's girlfriend for outstanding Halik script

Netizens, commend Vhong Navarro's girlfriend for outstanding Halik script
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel