12 Original Gimik stars at ang kanilang buhay ngayon

12 Original Gimik stars at ang kanilang buhay ngayon

Dahil nahilig na din tayo sa throwback, ating muling balikan ang isa sa pinakasikat na youth-oriented television series ng ABS-CBN noong 90s ang Gimik.

Sisilipin muli at kukumustahin ng KAMI ang 12 orihinal na cast ng nasabing programa.

1. Judy Ann Santos - Dianne Villaruel

Visibe na visible pa rin ang lead star ng Gimik ang Primetime Teleserye Queen na si Judy Ann Santos.

Ngayon, busy sya sa bagong show nya na lead role sya na pinamagatang Starla.

2. Rico Yan - Ricardo "Ricky" Salveron

Sino ba naman ang makakalimut sa yumaong Rico Yan?

Pumanaw sya noong March 29, 2002, sa edad na 27 years old.

3. Diether Ocampo - Gary Leo "Gary" Ballesteros

Nabalita sa inquirer.net noong March 20, ngayong taon, na nahilig na sya sa sports na polo.

Naglalaro sya dito at nagkaroon sya ng indie film kasama si Nathalie Hart at Ricky Davao na pinamagatang 'Sunday Night Fever,' ayon na din sa parehong pahayagan noong March 28, 2018.

Ngayon, ay makikita sya sa Kapamilya Primetime Series na Bagani.

4. G. Toengi - Angelina "Gina" de Leon

Masaya naman sa buhay may pamilya at dalawang anak si G. Toengi na makikita rin sa kanyang social media page.

Ayon pa sa kanyang profile, busy sya sa yogi, at sya rin ay producer, writer, host, actor, spokesmodel, activist for RH & Diversity/Inclusion, at YouTube Creator.

5. Marvin Agustin - Joseph "Joey" Fajardo

Kakatapos lang ng Kapuso Primetime Series nya na Kambal Karibal, kung saan ang galing galing nya bilang isang kontrabida.

6. Jolina Magdangal - Socorro Corazon "Ese" Aragon

Napakavisible pa rin ni Jolina Magdangal ngayon na isa na ring misis at mommy ng dalawang anak nya, at kilala na sya bilang si momshie Jolens ng Magandang Buhay.

7. Mylene Dizon - Melanie Suntay

Aktibo pa rin sa showbiz si Mylene Dizon, at ang huling teleserye niya na kakatapos pa lang ay ang Good Son.

8. Bojo Molina - Brian Lorenzo

Ayon pa sa balita ng Phil News, at sa Facebook page na naispatan din namin bukod sa happy family man si Bojo Molina, ay isa siyang Director ng Red Dragon Production / Agency at Sorensen Media Group.

Dagdag pa sa report nasa Guam daw ang aktor at tia successful naman ito sa kanyang piniling buhay.

9. Diego Castro - Jigs Mercado

Aktibo pa rin si Diego Castro pero ngayon bilang news anchor na ng UNTV.

10. Patrick Garcia - Carlo de Leon

Aktibong aktibo pa rin naman si Patrick Garcia sa showbiz.

Nasa Sana Dalawa Ang Puso at The Blood Sisters siya sa Kapamilya network.

Kakatapos lang ng huli.

11. Kaye Abad - Cassandra "Kakai" Marquez

Isang masayang misis na ngayon si Kaye Abad ng dating PBB housemate na businessman sa Cebu na si Paul Jake Castillo.

12. Kristopher Peralta - Teofilo "Toffee" Sanchez

Isang businessman na si Kristopher Peralta ngayon at may-ari ng Tienda del Mercado sa Davao City.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

And because the “Kiki Challenge” is the new “in” thing across the globe, especially here in the Philippines, and we just don’t want to miss out the whole fun of this newest trend, and thus, we are taking the challenge into a new funnier and wackier level.

Check him out in the video below!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
More of Maria Isabella Padilla's Disney-themed birthday party

More of Maria Isabella Padilla's Disney-themed birthday party

More of Maria Isabella Padilla's Disney-themed birthday party
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel