Lambitin galore! Viral ang video ng isang estudyante na halos mahulog sa building ng eskwelahan
- Nakunan ng isang concerned netizen ang isang batang nakabitin sa mataas na gusali ng isang paaralan sa Commonwealth
- Hindi magkamayaw ang mga taong dumadaan sa Manggahan overpass nang makita ang isang batang nakalambitin habang hinahawakan mula sa loob
- Iba't iba naman ang naging saloobin ng netizens sa nasabing pangyayari, kasalanan daw ng abta kaya siya nandun, may iba rin na nagsabing sinisira raw ng uploader ang reputasyon ng school
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Viral ngayon ang video ng isang batang mag-aaral na nakalambitin mula sa isang mataas na gusali ng isang paaralan sa Commonwealth. Maraming mga naglalakad sa footbridge ng Manggahan ang agad na nakapansin dito.
Nalaman ng KAMI ang nasabing viral video dahil sa mahigit 150,000 views nito sa Facebook na inupload ng isang concerned netizen na nakasaksi sa insidente.
Makikita sa nasabing video ang pagkakalambitin ng bata mula sa bintana. Hindi naman mawari ng netizens kung saan nanggaling at kung paano nakarating ang bata sa bahagi ng gusali.
Sa bandang huli ay nailigtas sa panganib ang bata nang saklolohan ang mga kaklase na humihila sa kanya paloob ng isang nakatatanda, maaring guro o staff ng paaralan.
Nasa pinakaitaas na palapag ang nasabing classroom na maaaring pinanggalingan ng estudyante.
Kani-kanya naman ang mga hinuha ng netizens ukol sa tunay na nangyari, pati na rin sa ititnuturong may kasalanan kung bakit napunta siya doon.
Maraming netizens ang nagsasabi na sana ay nahulog na lang ang bata dahil sa kakulitan naman daw niya. Anila, ligtas naman daw ang disensyo ng gusali na may maliliit na butas na bakal habang naisasara at nabubuksan ang mismong mga bintana.
May iba rin naman na sinasabing malapad daw ang pagbabagsakan ng bata, na makikita rin sa video. Sana ay binitiwan na lang daw ang pagkakahawak nang hindi nahirapan ang mga nasa loob ng classroom.
Sinabon din ng netizens ang uploader ng nasabing video na si Ella Horri dahil sa sinisira niya ang imahe ng paaralan at tila ay sinisisi raw ang guro na nakatalaga sa klase.
Panooring ang nasabing viral video sa ibaba:
Have you missed our Tricky Questions? Welcome to another episode of our show! Today Filipinos will answer the new set of really tricky questions our team has prepared. Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh