Paring Pinoy na umano'y nangmolestya at nagnakaw ng pera sa simbahan pinaghahanap ngayon!

Paring Pinoy na umano'y nangmolestya at nagnakaw ng pera sa simbahan pinaghahanap ngayon!

- Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad sa Estados Unidos ang paring Pilipino na si Rev. Edmundo Paredes na pinaniniwalaang nagkukubli sa Pilipinas

- Simula nang masuspinde si Paredes dahil sa nawalang USD 8,000 at umano'y pangmomolestya sa tatlong menor de edad ay biglang naglahong parang bula na raw ito

- Nagsilbi si Rev. Paredes bilang isang paring parokyano sa simbahan ng St. Cecilia sa Oak Cliff, Texas sa Estados Unidos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi natin maitatanggi na kapag ang usapan ay simbahang Katolika, pagdarasal at pagiging relihiyoso ang sumasagi sa isip. Ngunit may mga pumuputok na balita ukol sa mga anomalya at kontroberysang kinasasangkutan ang mga lider ng simbahan.

Tulad na lamang nang nalaman ng KAMI na si Rev. Fr. Edmundo Paredes ay pinaghahanap ng mga awtoridad sa Estados Unidos sa umano'y pagkakasangkot nito sa pagkawala ng malaking pondo ng simbahan.

Ayon sa mga pahayagan sa ibang bansa, bago pa mangyari ang paghahanap kay Paredes ay sinuspinde na ito sa kanyang pagkakatalaga bilang parish priest sa St. Cecilia church sa Oak Cliff, Dallas, Texas.

Ang nasabing suspensyon ay resulta ng pagkawala ng pondo ng simbahan na umabot sa USD 8,000 na ayon sa mga awtoridad ay nasa kanyang pangangalaga, noong 2017.

Kasabay nito, si Paredes ay nasangkot din sa umano'y pangmomolestya ng tatlong menor de edad sa nasabing parokya.

Nakipag-ugnayan na ang Diocese of Dallas sa mga awtoridad upang mahuli ito ay maiharap sa korte dahil sa mga reklamong isasampa laban sa kanya.

Pinaniniwalaan din na sa Pilipinas nagtatago si Rev. Fr. Edmundo Paredes, kung kaya't maaaring hindi matukoy ang kanyang lokasyon.

Mayroon ang extradition treaty na umiiral sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, at maaaring magtulungan na rin ang gobyernong US at Pilipinas, ngunit wala pang tugon ang awtoridad sa Pilipinas kung nakipag-ugnayan na ang Estados Unidos.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Have you missed our Tricky Questions? Welcome to another episode of our show! Today Filipinos will answer the new set of really tricky questions our team has prepared. Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jelo Medina avatar

Jelo Medina