Jairus Aquino, proud na ipinakita ang kanyang non-showbiz girlfriend

Jairus Aquino, proud na ipinakita ang kanyang non-showbiz girlfriend

- Kasama ni Jairus Aquino ang kanyang non-showbiz girlfriend sa isang media conference

- Bahagi siya ng pelikulang Petmalu na idinirek ni Joven Tan

- Proud siya sa girlfriend niya lalo ay ito umano ang unang seryosong relasyon niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isinama ng aktor na si Jairus Aquino ang non-showbiz girlfriendsa media conference ng pelikulang Petmalu na idinirek ni Joven Tan.

Nakaupo ito sa isang tabi at tila proud at supportive sa aktor. Naitanong naman kay Jairus kung komportable na siyang isama at makilala ng publiko ang kanyang girlfriend.

“Siguro po confident lang but not that confident naman po. Kumbaga, somehow as far as I know, nakikita ko na wala namang mali sa ginagawa ko, unless tao na mismo ang mag-isip na may mali sa ginagawa ko po,” paliwanag niya sa isang panayam ng Push.

Inihayag niyang ito ang una niyang serious relationship.

“Siyempre, I’m proud sa kanya. Ito rin po kasi yung first din na I have this girlfriend, serious relationship and something na talagang nagkaintindiihan naman po kami siguro. Nagkataon lang na ganito, very open, pero still we want things private. We don’t want people to get into our relationship,” saad niya.

Sa panig naman kaya ng babae, komportable na kaya itong samahan ang nobyo sa mga showbiz commitments nito?

“She is very comfortable, actually sometimes, siya din talaga ang gustong sumama. Kasi she is very curious of what I do, sa work ko. Kaya parang siya, ‘I want to see how things work, I want to see kung anong nangyayari.’

Sumasama daw ito kapag pwede naman.

“Kaya sumasama siya as long as okey na isama siya. Siyempre, nandon pa rin naman po yung parang merong hindi puwede, merong puwede,” sagot ng binata.

Dahil sa pag sama nito sa kanya ay mas lalong naunawaan ng kanyang girlfriend ang nature ng kanyang trabaho.

“Nagugulat siya, ‘Ah, ganun pala yon.’ Parang mas naiintindihan niya rin yung work ko, kung anong nangyayari sa akin, kung anong ginagagawa ko. Mas nagiging open-minded siya, mas nagiging more understanding.

Ibinahagi din ni Jairus ang pagiging maunawain ng kanyang nobya.

“Hindi ko na kailangang i-explain sa kanya kung bakit busy ako. Naintindihan niya na rin naman po yun right from the start. There are times na I can’t be there o hindi namin magawa ito, na lumabas, naiintindihan niya yon.

Gayunpaman, ginagawan niya umano ng paraan na mabigyan ng oras ang kanyang mga mahal sa buhay.

“Pero ako kasi, I always see it to myself na parang may time for her, kaya parang hindi niya na rin nire-require o hinahanap sa akin yung ganung quality kasi ako po I have to give her time, hindi lang po trabaho, family, siyempre kailangan kong i-manage yung time ko."

Si Jairus ay nagsimula bilang child star at sumikat nang mapasama sa Super Inggo kasama sina Makisig Morales at Kathryn Bernardo. Naitambal din siya sa kasabayang si Sharlene San Pedro.

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter

HumanMeter Social Experiment returns to our YouTube channel. This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers.

Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground?

Click “Play” to watch this new episode of HumanMeter Social experiment.

Source: Kami.com.ph

Related news
Raquel Pempengco, bumuwelta sa "devil in the family" statement ni Jake Zyrus

Raquel Pempengco, bumuwelta sa "devil in the family" statement ni Jake Zyrus

Raquel Pempengco, bumuwelta sa "devil in the family" statement ni Jake Zyrus
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel