OFW, nakapagpagawa ng sarili niyang bahay sa loob ng mahigit 3 taong walang uwian mula abroad
- Sa loob lamang ng 3 taon, nakapagpatayo na ng bahay ang OFW na si Grace Veridiano
- Produkto daw ito ng walang uwian niyang sakripisyo sa abroad
- Umani ito ng mga papuri sa mga netizens dahil sa abilidad nito pagdating sa pagpupundar mula sa pinaghirapang pera
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Tunay na kahanga-hanga ang Pinay OFW na si Grace Veridiano kung saan nakapagpatayo na siya ng sarili niyang bahay sa loob lamang ng mahigit sa 3 taong pamamalagi sa Saudi nang walang uwian.
Nalaman ng KAMI na sarili na niya ang bahay sa Tanza, Cavite na katas ng sakripisyo niya sa Saudi Arabia.
Bago siya lumipad patungong Saudi, sinabi ni Grace sa sarili na si siya uuwi ng Pilipinas ng walang sariling bahay.
“Bago ako umalis sa Pinas, sabi ko sa sarili ko, hindi ako uuwi nang walang sariling bahay kasi nangungupahan kami,” kwento ni Grace sa The Filipino Times.
Katulong niya ang kanyang kabiyak na maayos nahahawakan ang pinaghirapang pera ni Grace.
Ang perang pinadadala daw ni Grace ay nakalaan lamang sa pagpapagawa ng kanilang bahay habang ang kinikita naman ng kanyang asawa ang siyang ginagamit ng kanilang pamilya sa pang-araw araw nilang pangangailangan.
“Ako po kasi naka-focus lang (sa) pagpagawa ng bahay tapos ang husband ko yung mga gastusin at needs sa bahay namin,” dagdag pa niya.
Ayon pa sa 37 taong gulang na OFW, di naman daw niya ito kakayaning gawin kung hindi dahil sa tulong ng kanyang mister.
Full-time security guard daw ang asawa niyang si Rogelio na siyang nagbabayad din ng bills ng kanilang tahanan.
Ngunit, sa kabila ng mga tagumpay na ito lalo na sa pagpupundar, isang bagay na pinanghihinayangan ni Grace ay ang mga oras na wala siya sa tabi ng anak niyang si Glaiza.
Hindi umuwi sa loob ng mahigit 3 taon ang Pinay OFW kaya naman napakahirap nito sa kanyang kalooban dahil bukod sa asawa, ina at kapatid, may anak siyang naiwan at di nakakapiling.
“Nalulungkot ako kasi yung nag-iisa kong anak, di ko maalagaan dahil nandito ako sa malayo. Pero para rin naman sa kanya ginagawa ko,” ani Grace.
Dating sales supervisor siya dito sa Pilipinas bago niya maisipang mag-abroad. Wala siyang naipon o naipundar sa loob ng halos 10 taon na magtatrabaho bilang bisor.
“Wala man lang ako (n)apundar ni isa,” panghihinayang niya.
Tanging ang mga larawan ng ng kanyang 7 taong gulang na anak ang pinaghuhugutan ng lakas ni Grace. Sinisiguro rin ng kanyang asawa na mapadalhan si Grace ng mga larawan ng anak upang kahit doon lamang ay masubaybayan niya ito.
Samantala, nagulat si Grace sa mga naging reaksyon ng mga tao nang makita ang post niya.
“Nang i-post ko yan, dami nag-PM sa akin. Dami na-inspire na mga OFW. Gusto din nila magkaroon ng sariling bahay.”
Kaya ang payo ni Grace sa kapwa niya OFW, huwag basta basta maglustay ng pera sa kung anumang bagay. Kung may pangarap ka, lalo na ang magkaroon ng sariling bahay, paglalaanan mo talaga ito ng pera at panahon.
The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh