Star-studded debut! Kira Balinger, bonggang ipinagdiwang ang kaniyang 18th birthday

Star-studded debut! Kira Balinger, bonggang ipinagdiwang ang kaniyang 18th birthday

- Nagdiwang ng kaniyang debut ang aktres na si Kira Balinger noong Agosto 3

- Dinaluhan ang nasabing okasyon ng pamilya at showbiz friends ni Kira

- Nagbigay naman ng mensahe ang kaniyang mga kaibigan tulad ni Ylona

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bongga at dinaluhan ng iba’t-ibang artista ang naging pagdiriwang ng aktres na si Kira Balinger ng kaniyang ika-18 na kaarawan noong biyernes, August 3.

Nalaman ng KAMI na “Havana” ang naging tema ng debut at naganap ito sa Discovery Primea Makati.

Ilan sa mga artistang dumalo ay ang kaniyang malalapit na kaibigan na sina Ylona Garcia, Elisse Joson, at Ashley Colet.

Bukod sa mga showbiz personalities, naroon din ang mga mahal sa buhay ni Kira.

Malayo naman sa nakagawian ang ibinigay ng 18 na lalaking mahalaga sa buhay ng aktres. Imbes kasi na pulang rosas, tropical flowers ang inialay nila sa dalaga kasabay ng slow dance.

Unang isinayaw ang aktres ng kaniyang proud dad na si Tony Balinger at huli naman itong isinayaw ng rumored boyfriend na si Ryle Santiago.

Sa programang Las Linternas na kapareho ng typical na 18 candles, nagpaabot naman ng mensahe ang ilan sa mga malalapit na kaibigan ng aktres.

Pangako ni Ylona, palagi niyang susuportahan ang kaniyang best friend kahit ano pa ang mangyari.

“You are my best friend, and I’m here for you through anything. You can always talk to me, you can always call me,” pahayag ni Ylona.

Ibinahagi naman ni Ellise ang mga pinagsamahan nila ni Kira bilang magkaibigan.

“Every time na nagkikita tayo, you always made me feel like I’m welcome. Parang ayaw mong may nale-left out. You’re always there to be with someone, to be there for the person,” sabi ni Ellise.

Nag-alay naman ng isang special song number si Kira sa mga bisita at kinanta ang Camila Cabello hit na “Havana."

Sa naunang balita ng KAMI, naging “parang manika” si Kira dahil sa elegante nitong photo shoot bago ang debut.

Si Kira ay isang English-born Filipino actress na nabigyan ng break bilang Caitlyn sa primetime soap opera na The Story of Us. Bago nito, pumirma siya ng kontrata sa Star Magic at gumugol ng 2 taon para sa workshop.

What will you do if someone walks up to you and your girlfriend in the street and ask you for her number? It’s a pretty awkward situation, isn’t it? You just need to imagine how you would react, while the “victims” of this Philippines prank had to answer this question! – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Keber! John Lloyd Cruz enjoys simple life despite people's judgement

Keber! John Lloyd Cruz enjoys simple life despite people's judgement

Keber! John Lloyd Cruz enjoys simple life despite people's judgement
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel