Joey Marquez okay lang sa video scandal ni Mark Herras, part of being young daw

Joey Marquez okay lang sa video scandal ni Mark Herras, part of being young daw

- Nagbigay ng pahayag si Joey Marquez tungkol sa video scandal na kinasasangkutan ni Mark Herras

- Sabi niya okay lang daw iyon kasi nga part iyon ng pagiging young

- Hindi naman kaila sa marami na boyfriend ngayon ng anak ni Joey na si Winwyn Marquez si Mark Herras

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi maiwasang matanong si Joey Marquez tungkol kay Mark Herras, ang boyfriend ng kanyang anak na si Winwyn Marquez.

Nalaman ng KAMI na tinanong si Joey tungkol sa relasyon nito kay Mark at sabi niya, "Very civil kami."

"Wala naman akong ano sa kanya, e! Wala akong against sa kanya.

Joey Marquez okay lang sa video scandal ni Mark Herras, part of being young daw

Joey Marquez okay lang sa video scandal ni Mark Herras, part of being young daw (Photo: youtube)

“Ang iniisip ko lang, kailangan, para makapasok ka sa isang seryosong relasyon, secure kayo pareho.

“Kasi, hindi puwedeng puro pag-ibig lang.

"Iyang pag-ibig, natutunaw iyan pag wala nang pagkain sa lamesa, e.

“Ibang usapan na pag walang pagkain, walang pambayad ng electricity.”

Sa patuloy na pag-interview sa beteranong komedyante, tinanong din siya tungkol sa video scandal ni Mark.

Napakunot-noo si Joey sabay sabing, "Ano yun? Meron ba?"

Iniulat pa ng PEP ang sabi ni Joey na, "Okey lang yun, kasi part iyon ng being young, e.

“Okey lang yun. Lalaki ako, e!”

So ayan, wala siguro dapat ipangamba si Mark.

Si Joey Marquez ay isa sa mga haligi ng pelikulang Pilipino. Kilala siya bilang isang magaling na komedyante.

Anak niya si Winwyn Marquez na nanalo ng Reina Hispanoamericana Filipinas.

Street Vox Pop - Asking women what kind of male boy they prefer? on Kami YouTube channel This video simply shows the surprising preference of women when it comes to the type of man that they prefer, or rather, want.

Source: Kami.com.ph

Related news
After rocking several costumes, Zia Dantes has once again wowed the netizens with her Christmas-themed outfit

KAMI.com.ph
Mailfire view pixel