Si Bossing Vic Sotto at ang mga babae na naging bahagi ng buhay niya

Si Bossing Vic Sotto at ang mga babae na naging bahagi ng buhay niya

- Hindi makakaila na si Bossing Vic Sotto ay isa sa mga haligi hindi lamang sa mga Dabarkads ng Eat Bulaga kung hindi sa Philippine showbiz din

- Nag-umpisa si Vic Sotto sa industriya noong 1977, at sa ilang dekadang aktibo at nagmamayapag ang karera ni Bossing ay marami na ding mga babae na bahagi nito

- Ito ang mga babae na naging bahagi ng buhay ni Bossing Vic Sotto simula sa pag-umpisa niya sa showbiz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa si Vic Sotto na hindi nawawala ang kinang simula ito sumikat at nakilala, at ito naman ay dahil na din sa kanyang hindi makakaila na versatility at angking galing sa pagpapatawa at gumawa ng mga remarkable na mga pelikula.

Pero ika nga, "Behind every successufl man is a woman."

Hindi din matatawaran ang mga nagagandahang babae na bahagi at parte ng buhay ni Bossing sa showbiz at sa personal na buhay na "one way or the other" nakatulong ng malaki man o maliit sa pag-usbong pa ng karera at pagpapatuloy ng kanyang kasikatan at tagumpay sa buhay.

Unang naispatan namin ang istorya sa Pilipino News.

At bilang naniniwala ang KAMI sa importansya ng kababaihan at angking galing ng nag-iisang Vic Sotto ay ating silipin ang mga babae na naging bahagi sa buhay ni Bossing.

Pauleen "Poleng" Luna at Baby Talitah "Tali" Luna Sotto

Alam naman ng lahat ng Dabarkads at ng mga fans sa buong mundo na ang nagwagi sa puso ni Bossing Vic Sotto ay si Dabarkad Pauleen Luna, at ngayon, sinamahan pa sila ng kanilang pinaka-unang baby, ang kanilang panganay na instant celebrity na din na si baby Tali.

Narito ang ibang babae na naging bahagi at malaking parte pa rin ng buhay ni Vic Sotto:

Paulina Sotto

Si Paulina ang isa sa mga anak ni Vic Sotto at ng dating San Miguel Beer's "Bilimoko" ad noong 80s na si Angela Luz.

Danica Sotto

Si Danica Sotto-Pingris ay ang panganay na anak ni Vic Sotto at Dina Bonnevie.

Dina Bonnevie

Ang ina at ang unang asawa ni Bossing na si Dina Bonnevie ang mommy nina Danica at Oyo Boy Sotto.

Coney Reyes

Si Ms. Coney Reyes na dating host din ng Eat Bulaga at si Vico Sotto ay palaging magkaka-ugnayan dahil na din sa kanilang anak na si Vico Sotto.

Alice Dixson

Sinong makakalimut ni Faye? Si Alice Dixson lang naman ang una at ang orihinal na Faye na fairy misis ng Enteng Kabisote sa TV sitcom na "Okay ka, Fairy ko!"

Tweetie de Leon-Gonzalez

Ang isa pang magandang Faye na pumalit kay Alice Dixson sa sitcom ang ay modelong si Twettie de Leon.

Ruby Rodriguez

Bukod sa Eat Bulaga, nagkasama na sina Ruby at Bossing sa maraming pelikula at sa hit TV sitcom na "Okay ka, Fairy ko!"

Aiza Seguerra

At ang anak nina Faye at Enteng na si Aiza Seguerra.

Christine Jacob

Isa sa pinakamagandang mukha na napasama sa Eat Bulaga at napa-ibig kay Bossing, at kalaunan ay umalis bilang Dabarkad.

Isabella Daza De Leon

Si Duday ng 'Daddy Di Do Du,' Isabelle de Leon.

Pia Guanio-Magno

Bukod sa pagiging Dabarkad host, nagkaroon din ng relasyon noon si Bossing kay Pia.

Kristine Hermosa-Sotto

Bago pa man naging misis ni Oyo Boy Sotto na anak din ni Vic Sotto ay gumanap si Kristine Hermosa bilang Faye sa Ente Kabisote na pelikula.

Ryzza Mae Dizon

Isa sa paboritong anak-anakan ni Bossing sa showbiz at Eat Bulaga baby ay si Ryzza Mae Dizon.

Gwen Zamora

Bago pa kay Kristine Hermosa, si Gwen Zamora ang gumanap sa papel na Faye sa “Si Agimat at Si Enteng Kabisote.”

Cristine Reyes

Si Cristine ang naging leading lady ni Vic sa pelikulang 'Ang Darling Kong Aswang.'

Ai-Ai de las Alas

Si Comedy Queen Aiai delas Alas ang leading lady ni Bossing sa pelikulang 'My Bebe Love #KiligPaMore' at Kapuso sitcom 'Hay, Bahay!'

Kris Aquino

Naging leading lady din ni Bossing Vic si Kris Aquino at nalink din ito sa kanya noon.

Si Vic Sotto ay isang sikat na aktor, komedyante, film producer, singer-songwriter, at television presenter na nasa industriya ng showbiz simula pa noong 70s.

Naging ‘Box Office King’ siya ng maraming beses.

Dating kasal siya sa aktres na si Dina Bonnevie at nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Danica Sotto at Oyo Boy Sotto na parehong may asawa na at mga magulang na rin.

Ngayon, ay kasal siya kay Pauleen Luna, ang kanyang kasamahan at dabarkads sa sikat na noontime show sa Kapuso ang ‘Eat Bulaga,’ at may isang anak na sila.

May dalawa pang anak siya na sina Vico Sotto, anak nyang lalaki sa aktres na si Coney Reyes, at si Paulina Sotto, ang anak nya kay Angela Luz.

Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions!

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang sipag nila! Celebrity stars spotted selling self-made products in a mall

Ang sipag nila! Celebrity stars spotted selling self-made products in a mall

Ang sipag nila! Celebrity stars spotted selling self-made products in a mall
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel