"I don't feel any pressure right now." Janina San Miguel at ang buhay niya ngayon

"I don't feel any pressure right now." Janina San Miguel at ang buhay niya ngayon

- Naging sikat ang pangalan ni Janina San Miguel sa pagsali niya sa Binibining Pilipinas World 2008

- Ang dahilan ng pagkakilala sa kanya sa naturang beauty pageant ay dahil sa kanyang notable na sagot sa question and answer portion

- Pagkatapos ng sampung taon ay lumitaw na naman ang pangalan ni Janina sa online world at pinag-uusapan na naman siyang muli dahil sa bagong buhay na tinatahak niya ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Unang naispatan namin ang bagong yugto ng buhay ni Janina San Miguel sa Inday Trending, at lumabas din ito sa GMA News at Push website.

Si Janina ay umikit ng kasaysayan sa Binibining Pilipinas nang sumali siya sa Bb. Pilipinas World 2008.

Siya ay isa sa mga tinuturing "most remarkable and controversial beauty queens" sa kasaysayan ng Bb. Pilipinas.

Naging kilala siya dahil sa kanyang sagot sa naturang beauty contest pero kahit ganun man ang nangyari ay nauwi pa rin niya ang titulo.

Gayunpaman, ay nag back down siya sa pagpapatuloy sa international competition, at pagkatapos noon ay tila wala na tayong narinig tungkol sa kanya.

Isang dekada mula sa kontrobersyal na beauty pageant, napag-alaman ng KAMI na nag-asawa na pala siya, at siya lang naman ay happily married sa isang Indian national na ang pangalan umano ay Vishal Sahota.

Ngayon, siya na ay si Janina Sahota, at makikita naman ito sa kanyang Facebook page.

Full time mom na daw ang dating beauty queen at ina sa kaniyang unico hijo, at ngayon, masaya at simpleng buhay ang mayroon siya kasama ng kanyang pamilya at iwanan ang limelight.

After all, sabi nga niya, importante sa kanya ang pamilya.

In our recent social experiment, we've asked some of our netizens about what it is like being single?

Find out what our millennials now have in mind with the word "single."

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Catriona Gray, makapanindig-balahibong kinantahan ng ‘Lupang Hinirang’ sa Thailand

Catriona Gray, makapanindig-balahibong kinantahan ng ‘Lupang Hinirang’ sa Thailand

Catriona Gray, makapanindig-balahibong kinantahan ng ‘Lupang Hinirang’ sa Thailand
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel