Hugotera si ate! Babaeng iniwan ng “Seaman” na boyfriend, nagmaktol kay manong driver

Hugotera si ate! Babaeng iniwan ng “Seaman” na boyfriend, nagmaktol kay manong driver

- Kumakalat sa social media ang video ng isang babae na nagmumukmok kay manong driver dahil hiniwalayan ito ng nobyo

- Umiiyak habang nagpapaliwanag ang babae kung gaano kasakit ang naging hiwalayan nila

- Nagbigay naman ng mga payo ang tsuper ng taxi para sa dalaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ngayon sa social media ang video ng isang babae na ayon sa nag-post ay niloko at iniwan ng boyfriend na Seaman.

Imbes kasi na sa mga barkada o kapatid ito magmukmok, si manong taxi driver ang naging labasan nito ng sama ng loob.

Sa video, nalaman ng KAMI na hindi magkamayaw sa paghagulhol ang nakainom na babae habang humihingi ng payo sa tsuper ng taxi.

Hugotera si ate! Babaeng iniwan ng “Seaman” na boyfriend, nagmaktol kay manong driver

Screenshot ng video

“Kuya lahat ng pagmamahal ibinigay ko sa kanya. Bakit hindi pa rin ako worth it?” tanong ng babae. “Ang sakit kuya eh. Sineryoso ko siya kuya. Ginawa ko naman ang lahat. Ginawa ko yung paglalaba, paglilinis, lahat kuya…”

Maikli ngunit malaman naman ang naging tugon ni manong driver sa mga tanong ng babae.

“Baka may kulang pa…” sagot ng tsuper.

Ikinuwento din ng umiiyak na dalaga kung gaano kasakit ang naging hiwalayan nila ng boyfriend lalo na’t may isa pala silang anak.

“Ang sakit kuya. Ang sakit, sobra. Tagos sa puso, sa utak, sa laman, sa kutis… Lahat kuya sobrang sakit. Sabihin mo sa akin kuya,” sabi niya.

Hugotera si ate! Babaeng iniwan ng “Seaman” na boyfriend, nagmaktol kay manong driver

Screenshot ng video

Sa kanilang pag-uusap, mapapansin na madalas nakikinig lamang si manong driver ngunit nagbibigay din ito ng payo kapag madami nang tanong ang babae.

“Hindi pwedeng puro saya na lang kuya? Pagod na ‘ko kuya eh… Lahat ba ng lalaki hindi seryoso? Gusto ko lang naman mahalin ako ng totoo eh. Yung seryoso kuya. Walang lokohan,” pahayag pa ni broken-hearted girl.

“Matulog ka mamaya tapos bukas wala na yan,” sagot ng driver.

Sa gitna ng pag-uusap, sinubukan ni manong driver na magpatawa upang mapigilan ang pag-iyak ng pasahero nito.

“Baka yung nakuha mo matangkad. Di patas. Dapat match kayo,” sabi niya.

Bigla namang sumingit ang bestfriend ng babae at pinagsabihan ang kaibigan na walang mangyayari sa kakaiyak nito.

“Eh ba’t ngal-ngal ka nang ngal-ngal? May mangyayari nga ba kapag umiyak ka nang umiyak? Diba wala naman?” pagbabara ng kaibigan.

Narito ang video:

Umani naman ng reaksyon at komento sa social media ang videong inupload ng Charm Jewels.

Ayon kay Marites Moncada, maghintay lang daw ang babae at gagaling din ang sugat nito sa puso.

“Wala talagang permanente sa mundo kasi lahat ng tao nagbabago, kahit pa gaano mo minahal at lahat nagawa mo para sa kanya , ang pakikipagrelasyon ay talagang mayroon panahon ng iwanan,” sabi pa ni Marites.

What will you do if someone walks up to you and your girlfriend in the street and ask you for her number? It’s a pretty awkward situation, isn’t it? You just need to imagine how you would react, while the “victims” of this Philippines prank had to answer this question! – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!

Pinay OFW, amo at mga anak nito nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa Abu Dhabi!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel