Lisensyadong guro, isiniwalat ang rason bakit niya mas piniling magtinda ng sapin-sapin kaysa magturo
- Nag-viral ang video ng isang sapin sapin vendor sa CamSur kung saan nasagutan umano ang mga math problems sa eskwelahan kung saan siya nagbibenta
- Sa kwento ng sapin sapin vendor na nakilalang si Norwin del Rosario, nagulat daw ang mga estudyante nang nasagutan lahatnito ang mga math problems na nasa pisara nila
- Bagaman at lisensyadong guro si Norwin, mas pinili pa rin nito ang magtinda kaysa magturo sa paaralan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakilala na si Norwin del Rosario, ang lalaking sapin sapin vendor sa viral video kung saan sinagutan niya ang math problems na nasa pisara.
Nalaman ng KAMI na nagtitinda ng sapin sapin si Norwin sa isang paaralan sa Camarines Sur nang biglang tanungin siya ng mga estudyante kung kaya niyang sagutin ang math problems sa pisara. Himingi raw ng chalk si Norwin at laking gulat ng mga estudyante nang nasagutan nito ang lahat ng nasa pisara.
Ayon sa panayam ng Bandila kay Norwin, nagtapos pala siya ng Bachelor of Arts in Economics sa Ligao Commercial College at pasado na rin siya sa Licensure Examinations for teachers.
Nais lamang ng simpleng buhay ni Norwin kaya mas pinili na lamang nito na magtinda ng sapin-sapin kaysa magturo.
Narito ang video na nakuha ng KAMI sa Youtube ng programang Bandila:
Sa ganoong paraan, hawak pa niya ang kanyang oras lalo na at kailangan siya ng kanyang ina na na-stroke noong 2014.
30 taong gulang na si Norwin at 6 na taon na siyang naglalako ng sapin-sapin. Sa halagang ₱10, kumikita si Norwin ng halagang ₱300-₱1,500, sapat naman raw ito para buhayin ang kanilang pamilya.
Umani ng iba't ibang reaksyon ang kwento na ito ni Norwin at karamihan dito ay paghanga sa desisyon niyang magnegosyo upang mamuhay ng simple at mas maalagaan pa niya ang ang kanyang pamilya lalo na ang ina na nangangailangan ng pansin.
Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:
"Wala Kang boss, hawak mo oras mo. Gaya ko. May sari sari store kami, everyday benta ko 5k to 8k. 20% ang tubo ko dun which is 1k to 1,600/day na kita. Sino gugustuhin pumasok sa trabaho Kung sa bahay palang kikita kana plus naaasikaso mupa pamilya mo? Magkano lang kase sweldo ng teacher lalo na sa private schools. Sobrang liit."
"Kahit ano pa ang work mo or degree na meron ka sa buhay walang label-label, ang nagmamatter ay kung paano ka magserve sa iyong kapwa sa bawat galaw na ginagawa mo sa iyong trabaho. There is no higher purpose in life than service to others. *A lesson from A Peaceful Warrior."
"That is d sad reality when someone believes that when a man or a woman is wearing a uniform or coat and tie while going to the office and they were pressumed to be financially capacitated but unfortunately they live indebted while forcing themselves to work and work because of fear or pride that they took up a certain college degree and they must work based on their educational attainment despite of sacrifices.. Why not think and explore some other ways to make life easy, why should be bothered with your degree.. Remember most of wealthiest people in the world failed on their studies. And so many wealthy filipinos did not even take or finished high school.. Think twice and manage your career wisely regardless of what you have taken up because it is your ambition and hardworks that matter.."
"t depends upon work ethics..minsan Hindi lang pera ang basihan ng success.. Ung personal satisfaction natin sa ating ginagawa ang importante..sabi nga Hindi natin madadala ang kayamanan sa kabilang buhay..follow ur heart kung saan ka masaya at walang tinatapakan..lahat tau babalik sa dust at ang maiiwan ay ung kabutihan sa kapwa..nway,God bless u Sir!"
"walang makakapagsabing kung anu ang kalalagyan ng buhay ng tao? pero para sa akin edukasyon ang susi ng tagumpay ng tao at sipag, diskarte talino, at magaling makisama sa tao, kahit kurap ang mga tong grease man sena tong dpat hindi hadlang sila sa ating pamumuhay..pero ako dPat kay mr. guro ipagpatuloy mo ang pagiging business man kasi walang nayaman na namamasukan sa kumpanya. kung sa deDed ka naman hindi ka yayaman sa ahenssya mo maliban kung nanakaw ka? keep it up sir..mabuhay ang mga sabungero"
" Di nyo ba alam malaki kinikita sa pagtitinda at paglalako kong masipag ka. Oo mainit at alikabok sa kalsada pero daig pang nagsasahod ng minimum nyan... Sipag at tiyaga lang ang kailangan sa buhay.. Wala ka pang amo o kasamahan na laging naninilip sa mali ,ikaw amo sa sarili mo, hawak mo oras mo..."
This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh