Memorize na! 11 na paboritong linya ng mga Pinay moms kapag galit na sa kanilang mga anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Aminin man natin sa hindi, mayroong iba’t-ibang klase ng nanay sa mundo. Nariyan yung mahilig mamasyal, mahilig mag shopping, palaging nagsisimba, o di kaya’y babad sa mga gawaing bahay.
Kung mayroong mabubuting ina, hindi din naman nawawala ang mga nanay na pabaya sa kanilang anak. Lalo na yung klase ng ina na sanggol pa lang ang anak ay inaabandona na ito.
Sa kabila nito, nakasisiguro ang KAMI na lahat ng ina ay may kanya-kanyang paraan para maiparamdam ang kanilang pagmamahal. Sa madaling salita, iba-iba ang karanasan ng bawat anak sa kanilang mga magulang.
Ngunit hindi pa rin maiiwasan na may isang bagay na parehas na ginagawa ng mga Pinay na ina sa anak nito. Subukan niyong galitin si nanay upang mas lalo ninyong maintindihan kung ano ang aming tinutukoy.
Base sa isang sikat na website, narito ang ilan sa mga karaniwang naririnig ng anak kapag galit ang kaniyang nanay:
1. *Calls you by your whole name*
Malalaman mong galit si nanay kapag buong pangalan mo na ang kaniyang sinisigaw. Lalo na kung nakagawian niyang palayaw lang ang itawag sa’yo. Pero aminin natin, ma-swerte yung may mahahabang pangalan dahil sigurado ang KAMI na mahihirapan si nanay na banggitin ito nang buo.
2. “Gabing-gabi na, nasa lansangan ka pa! Anong balak mo sa buhay?”
Madalas itong marinig sa mga nanay na may bulakbol na anak. Ang galing ni nanay, hindi ba? Marahil isa na rin ito sa magic ng ating mga ina. Isipin mo, nagawa niyang i-connect ang pag lakwatsa mo nang hating-gabi sa mga plano mo in the future.
3. “Kung makapagkalat ka, akala mo may katulong ka!”
Oo nga naman! Ikaw naman kasi, anak, wag kang masyadong makalat sa bahay para hindi palaging nagagalit ang iyong ina. Pero hindi namin lubusang maisip kung applicable din ba ito sa mga anak na may personal na yaya.
4. “Walang pakpak ‘tong tsinelas ko pero lilipad sa’yo ‘to!”
Kapag galit si nanay, nagiging imbentor siya. Kaya niyang magpalipad ng mga bagay kahit wala naman itong pakpak o kakayahang lumipad. Ilang halimbawa na diyan ang tsinelas, plato, picture frame, at iba pa.
5. “Papunta ka pa lang, pabalik na ako!”
Marahil script writer o mahilig sa lumang palabas ang mga nanay natin. Madalas kasi ang mga ganitong linyahan sa mga pelikula ni FPJ. Buti nga at hindi “hindi ka na sisikatan ng araw” ang sinasabi niya.
6. “Ako nga, piso lang baon ko noon!”
Kapag humihirit pa ang mga anak ng dagdag sa baon, humanda ka na sa linyang ito. At ang ilan, wala nang magagawa kapag narinig na ang kwento ng “piso lang ang baon ko.”
7. “Hindi ako nagtatae ng pera!”
Kung magastos ang anak, ito na marahil ang pinaka-karaniwang naririnig na sermon galing sa isang ina. Kung tinatae nga lang naman ang pera, marami ang hihiling na sana may LBM sila.
8. “Isa pa ha, isa pa!”
Dalawa ang maaring kalabasan kapag sinabi na ito ng nanay mo. Una, maaring isipin niya na kung hindi talaga madadaan sa santong dasalan, idaan na lang sa santong paspasan. Pangalawa, yang “isa pa ha, isa pa” ay pwedeng masundan ng “isa pa talaga” hanggang sa magkalimutan na.
9. “O, ba’t di ka makasagot!?!”
Madalas makarinig ang KAMI ng mga anak na sinasabing kapag sumasagot daw sila, napapagalitan pa din ng ina kasi sumasagot na daw. Kapag hindi naman sumagot, papagalitan at iisipin na may kasalanan talaga. Mahirap talagang i-please si nanay kapag galit ito. Lalo na kung malala ang iyong kasalanan. Pero ganunpaman, dapat natin silang unawin.
10. “Kapag yan nakita ko, makikita mo!”
Medyo magulo pero alam nating nagngingitngit na sa galit at inis si nanay kapag sinabi niya ito. At isa pa, wag mong hahamunin si nanay sa hanapan dahil kahit mas matanda ito sa’yo ay himala na mas nakikita niya ang dapat hanapin. Kahanga-hanga talaga ang “mother knows best.”
11. “Ayan, ayan! Kakakompyuter mo!”
Maaaring malalim ang pinaghuhugutan ng ating mga nanay kapag sinisisi niya ang pag overstay natin sa computer shop. Maaring hindi siya nakakatulog sa gabi habang hinihintay kang dumating o di kaya’y nag aalala siya sa kaligtasan mo habang wala ka sa paningin niya. Ang mahalaga dito, bawasan natin ang mga inaalala ng ating mga ina upang gumaan ang kanilang pakiramdam.
Marami pang mga linya ng ating ina ang maari nating masubaybayan sa araw-araw. Nakatutuwa man pakinggan at isipin, dapat pa rin nating alamin ang malalim na kahulugan ng bawat salita na binibitawan ng babaeng nagdala sa atin sa sinapupunan.
Higit sa mga salitang ito, dapat nating tandaan na wala nang mas nakatutuwa para sa isang ina kundi ang makitang nasa mabuting kalagayan ang kaniyang anak.
Ikaw, anong linya ang parati mong naririnig sa iyong ina?
This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Today, we are going to check if parents teach their kids not to talk to strangers. Do children know the basic safety rules or a stranger can easily take them out of a playground? – on HumanMeter!
Source: KAMI.com.gh