Paalam, Dong Fajardo! Netizens, inalala ang pumanaw na “bilanggo” sa famous TV ad ng Boysen
- Sumikat noong ‘90s ang TV commercial ng Boysen na “preso”
- Ang bida sa TV ad na iyon ay si Dong Fajardo, isang professor, writer at direktor
- Nalungkot ang netizens nang malamang pumanaw na pala siya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sinong makakakalimot sa TV commercial ng Boysen kung saan ipinakita ang isang bilanggo na tumanda na sa preso habang ang pintura sa wall nito ay hindi nasisira?
Nalaman ng KAMI na inalala ng mga netizens ang bida sa commercial na ito na si Dong Fajardo.
Ayon sa Facebook page na Walwal, pumanaw na pala si Dong, halos anim na taon na ang nakakaraan.
Base sa FB account ni Dong, ipinanganak siya noong August 18, 1955 at namatay siya noong August 7, 2012, bago ang kaniyang ika-57 na kaarawan.
Makikita rin sa account niya na siya ay script writer, director, freelance writer, at AV director noong nabubuhay pa.
Siya rin ay nagtrabaho bilang professor noon sa Assumption College at nag-aral ng Bachelor of Arts sa Far Eastern University.
Narito naman ang mga reaksyon ng netizens na ngayon lamang nalaman ang pagpanaw ni Dong:
“Nakikita ka lg namin tuwing Boxing ni Pacquiao pero d ka namin malilimutan.
“Sana naging tulad din to ng NIDO, nakita natin yung sunod na nangyari kaso nasa heaven na pala sya. Rest in peace”
“This commercial is one of my favorites. I love singing the commercial song of this”
“Parte ng buhay ng mga batang. 90's ang commercial na to.. Lalo na yung mga panahong kapag may laban ng boxing di talaga mawawala to.”
“I think I was 7 or 8 when I saw the commercial and I remember crying my heart out to this man. Ang dami kong tanong sa sarili ko noon like bakit sya nakulong, tapos may scene na pinakita na nasa loob sya ng kulungan nya na parang torre tas chinecko talaga na walang pinto na yung bintana lang talaga yung tanging labasan tas may bars pa! Hahhaha’ iyak ako nun ngayon 19 na po ko mag 20 na”
“Batang bata pa ko nung ko tong napanuod, naiiyak ako every time na makita ko to. Kaya minsan pag ipapalabas na tong commercial na to, ililipat ko sa cartoons. Hindi kaya ng munting puso ko na makita siya nun.”
Have you ever eaten the Skyflakes crackers? Don’t pretend you haven’t! We love them, too. But do you remember how many holes there are in this cracker? It is one of three tricky questions we will ask the people we will meet in the street of the Philippines! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh