13 Celebrities na may kakaibang mga trabaho bago pa man sumikat!

13 Celebrities na may kakaibang mga trabaho bago pa man sumikat!

Ika nga, ang lahat ng mga sikat at malalaking pangalan sa showbiz, sa Hollywood, in particular, ay nagsimula sa ibang trabaho para mabuhay.

Dahil na din sa kanilang angking galing, talino, husay, at hitsura sinamahan pa ng tiyaga, dedikasyon, at isang palong palong swerte, sila ay sumikat ng husto at ngayon ay kumikita ng malaki.

Kaya naman ating silipin ang 10 na celebrities na ito na nakahanap ng trabaho sa kakaiba at nakakagulantan na mga lugar bago pa man sila naging sikat at yumaman, ayon sa listahan na nakuha namin sa Noble Drift at BuzzFeed.

Nilista ulit namin dito sa KAMI ang mga ito para bigyang pag-asa ang lahat ng nangangarap na hanggang may dedikasyon at determinasyon samahan pa ng tiyaga at pasensya ay makakamit ang inaasam na pangarap gaya nila.

Heto ang 15 Hollywood celebrities na may kakaibang trabaho bago pa man maging sikat na mga artista, in no particular order.

1. Johnny Depp

Bago pa man sumikat at namayagpag ang career ng ruggedly handsome na aktor na kilalang kilala sa kanyang mga roles gaya ng Jack Sparrow at Edward Scissorhands ay dati palang nagpupushed ng ballpoint pens sa telepono.

Ang trick, ayon pa sa superstar, ay ang pagpangako na mananalo sila ng isang malaking premyo kagaya ng isang Tahiti trip kung bibili daw sila ng madaming ballpens.

Pero dahil sa nakonsensya na siya ay iniwan niya umano ang trabaho pero kinicredit naman niya ito na isang vision niya sa pag-aacting.

2. Madonna

Bago siya naging Queen of Pop, nakuha ni Madonna ang dagdag na salapi sa pamamagitan ng paghahatid ng mga pastry sa Dunkin 'Donuts sa Times Square ng New York.

Ngunit iniulat din na ang Material Girl ay hindi nagtagal sa kanyang extra job dahil nahuli siya na diumano'y may ginawa na hindi maganda.

3. Hugh Jackman

Ang Aussie multi-talented actor na ito ay humawak ng mga marami at kakaibang trabaho bago maging isang sikat at malaking leading man ngayon.

Dating former gas station attendant, party clown, at isang P.E. teacher.

Sabi pa daw, sa isang red carpet event umano, isa sa kanyang mga estudyante ang tumawag sa kanya, kaya naman napag-alaman na isa pa lang gym teacher dati.

4. Julia Roberts

Ang paborito nating America's sweetheart na si Julia Roberts ay nagtrabaho pala as a scooper sa Baskin Robbins bago pa man maging isang multi-million dollar-earning movie star.

Subalit, hindi lang pala siya ang sikat na personalidad ang nagtrabaho sa naabing establisyemento.

Sila dating US President Barack Obama, Leeza Gibbons, Taryn Manning, at Eric Dane lahat ay nagkaroon ng trabaho sa 31 Flavors.

5. Christopher Walken

Noong bata pa ang 2-time Tony nominee na si Christopher Walken ay nagtrabaho sa circus.

Siya ay naging isang assistant na taga-amo ng lion sa isang traveling tent, karaniwang naglalaro siya bilang isang anak na lalaki ng tamer.

6. Mariah Carey

Tulad pa ng maraming ibang rising celebrities, nagtrabaho din si Mariah Carey sa iba't ibang trabaho.

Sa isang punto, nagtrabaho bilang hat checker si Mariah.

7. Whoopi Goldberg

Bago pa man hustong sumikat at naging malaking artista si Whoopi Goldberg, siya ay isang morgue beautician pagkatapos maging bricklayer.

8. Jay Z

Ang music mogul ay inamin dati sa isang panayam na dati siyang crack dealer, at inamin din umano na ito ay nakatulong sa kanyang pagiging eksperto sa negosyo.

Ngayon, isa na siyang mogul sa music.

9. Rachel McAdams

Ang 'The Notebook' actress ay dating taga kuha ng orders sa McDonald's nooong teenager pa siya, at tatlong taon umano niya itong ginawa.

10. Brad Pitt

Bago pa man naging pinakasexy na lalaki sa Hollywood si Brad Pitt ay dati-rati sumasayaw siya suot ang chicken suit para sa El Pollo Loco restaurant at naging limo chauffeured din siya sa mga str*ppers.

11. Beyoncé

Ang reyna sa performance na si Beyonce ay dating taga walis ng mga buhok sa sahig sa parlor ng kanyang ina.

At kapag hindi daw siya nagwawalis ay kumakanta siya.

Ngayon, siya lang naman ang isa sa pinakasikat at pinaka mayaman na artist sa mundo.

12. Channing Tatum

Bago pa man sumikat at isa sa pinakagwapo, pinakasexy, at pinakasikat na aktor sa Hollywood ay dating str*pper si Channing Tatum.

May iba pang trabaho na ginawa ang aktor at isa na rito ay ang pagiging roofer.

13. Jennifer Aniston

Ang napakasikat na 'Friends' star ay isa pa lang dating telemarketer bago pa man siya naging isa sa mga malalaking artista sa Hollywood.

Recently, our group did another social experiment, and this time, our aim is the safety of the children in public places.

How safe are they in public places?

Find out and learn how it ended with the video below.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel