Bonggacious ni manong! Viral ang isang jeepney driver na bumigay at nakipagtawanan sa mga pasahero

Bonggacious ni manong! Viral ang isang jeepney driver na bumigay at nakipagtawanan sa mga pasahero

- Biyaheng Anonas-Sikatuna ang isang drayber ng dyip na masayang nakipagtawanan sa mga kolehiyong pasahero nito

- Kinunan ang nasabing viral video ng isang netizen na si Kenneth Beltran kasama ang kanyang mga tropa sa loob ng dyip

- Umabot na sa mahigit 65,000 views ang nasabing video at itinag ng netizens ang Kapuso Mo Jessica Soho sa pagnanais na mai-feature ito sa programa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinunan ng video ng isa sa mga pasahero ang pakikipagtawanan ng isang jeepney driver sa kanilang magkakaibigan sa biyaheng Anonas-Sikatuna.

Nalaman ng KAMI ang nasabing viral video na inupload ng Filipino Channel Online na tuluyang naging viral.

Natutuwang isinalaysay na masaya raw ang drayber sa araw na iyon dahil sa natanggap niyang pera. Aniya, ipangde-date niya raw ito kasama ang boyfriend.

"Masayang-masaya ako dahil nakakuha ako ng pera. Ide-date ko lang 'to sa Asia Mall [Mall of Asia]." Sabay na walang tigil na sumigaw ng, "Ay!"

Maraming netizens ang umano'y nalito at naloka raw sa una, dahil kanilang aakalain na isang tigasing drayber si manong nakalauna'y bibigay rin pala. Ay! Kanila rin namang itinag ang #KMJS upang bigyang-pansin ng nasabing programa ang manong, este, manang drayber para ma-feature sa telebisyon!

Ang nasabing tsuper ay lagi raw ganito ang mood na siyang nakpagpapasaya sa mga madaraanan nito pati na rin sa mga pasaherong isinasakay araw-araw.

Do children know the basic safety rules or can a stranger easily take them out of a playground? Our team hopes that this video would raise awareness among parents. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? – on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel