Ibang klase ang diskarte! Habal habal driver, magtatapos bilang 'magna cumlaude'

Ibang klase ang diskarte! Habal habal driver, magtatapos bilang 'magna cumlaude'

- Sinuwerte ang habal habal driver na si Joyce Dublin dahil sa may tumulong sa kanya para ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo at ngayon nga ay magtatapos siya bilang 'magna cumlaude'

- High School Valedictorian si Joyce ngunit dala ng kahirapan, di na niya naipagpatuloy ang pagkokolehiyo at nagtrabaho na lamang

- Labis na hinagaan si Joyce sa matinding sipag at diskarte sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bagaman at 30 taong gulang na si Joyce Dublin, nagawa parin niyang tapusin ang kolehiyo at di lang iyon, 'magna cumlaude' pa siya.

Nalamang ng KAMI na may angking katalinuhan pala talaga si Joyce dahil high school pa lang siya, nagtapos na siya bilang valedictorian. Ngunit, dala ng kahirapan, di na niya naipagpatuloy ang pagkokolehiyo.

Limang taon siyang naging checker sa isang pamilihan sa Cebu para makatulong na rin sa kanyang pamilya. Nagtitinda lamang ng tinapay ang kanyang ina para may ipangtustos noon sa kanilang pag-aaral kaya naman di talaga ito sapat para makapag-kolehiyo si Joyce.

Nang bumalik siya sa kanilang lugar, doon naging habal-habal driver na siya.

Di niya akalain na ito pala ang magiging daan niya upang matupad ang pangarap niyang makapagkolehiyo.

Ibang klase ang diskarte! Habal habal driver, magtatapos bilang 'magna cumlaude'
image: ABS-CBN news

Isang pasahero niya ang kanyang nakilala na nag-alok sa kanya ng scholarship. Di na siya nag-atubili pa at siya ay nag-enrol sa Cebu Technological University-Daanbantayan Campus sa kursong Education major in Mathematics.

At di sinayang ni Joyce ang pagkakataong ito, di lang siya basta nag-aral, magtatapos pa siya bilang isang 'magna cumlaude'.

Di lang iyon ang biyaya na natanggap ni Joyce, Siya ay makatatanggap din ng full discount sa isang review center bilang paghahanda naman sa licensure examinations nila.

Tunay na dahil sa sipag at kahanga-hangang diskarte sa buhay, nararapat lamang na matanggap ni Joyce ang lahat ng biyaya na nakakamit niya ngayon.

This awkward phone call leaves a bunch of strangers from the Philippines shocked and surprised. Are you interested to find out what the phone call is about? Awkward Phone Call Public Prank: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica