Uwian na talaga! Sila ang 10 hinirang na pinakamaganda't magagaling na UAAP lady volleyball players

Uwian na talaga! Sila ang 10 hinirang na pinakamaganda't magagaling na UAAP lady volleyball players

- Isa ang volleyball sa pinakahinahangaan at pinakamalapit sa puso ng mga Pinoy bukod sa paglalaro ng basketball

- Mayroong sampung hinirang na pinakamagaganda't magagaling na former at current UAAP volleyball players

- Binigyan ng iba't ibang parangal ang nasabing players at ang iba naman ay pinasok na ang mundo ng showbiz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News

Pagdating sa paglalaro ng isports, hinahangaan at iniiidolo ang mgamanlalaro, lalo pa't galing sila sa iba't ibang larangan, mga kurso sa kolehiyo, at magagandang state at private universities sa Pilipinas.Kung kaya naman ay nabibigyan ang mga ito ng parangal sa kanilang lakas, galing, liksi, at tapang sa pagharap sa kabilang kuponan.

Ngunit nalaman ng KAMI na hindi lahat ay nabibigyan ng limelight dahil iilan lang ang totoong hinahangaan hindi lamang sa kanilang angking ganda, kundi pati sa kanilang kagalingan sa volleyball.

Mayroong 10 hinirang na mga babaeng manlalaro ng volleyball dahil sa kanilang angking husay sa court at charming beauty. Narito ang nasabing listahan mula sa Social Pees:

1. Lady Spiker na si Michelle Gumabao - Ang former Lasallian sa 75th Season ng UAAP, ginawaran siya ng Most Valuable Player award.

2. Dennise “Denden” Lazaro - Itinanghal na Best Receiver noong 76th at 77th Seasons ng UAAP. Naglaro siya para sa Ateneo de Manila University at ngayon naman bilang libero ng Philippine National Team.

3. Gretchen Ho - Isa sa Kapamilya hosts, naging isa si Gretchen sa Ateneo Lady Eagles at naging team captain din ng nasabing kuponan. Naging isang founder rin siya sa ng Beach Volleyball Republic.

4. Amanda Villanueva - Si Amanda ay napabilang sa magagaling na manlalaro ng Adamson University Lady Falcons. Isa rin siyang tanyag na beach volleyball player.

5. Mika Reyes - Napabilang si Mika sa mga former talented DLSU Lady Spikers. Siya'y kasalukuyang naglalaro para sa National Team bilang captain.

6. Rachel Daquis - Isa siya sa mga nag-iwan ng magagandang marka at play record sa kasaysayan ng volleyball bilang Best Server sa 68-69th Seasons ng UAAP. Si Daquis ay alumna ng Far Eastern University (FEU).

7. Kim Dy - Itinanghal ang player na ito bilang MVP ng UAAP Season 78, bilang isa sa DLSU Lady Spikers.

8. Pauline Gaston - Si Pauline ay naging isang beauty queen at manlalaro ng Ateneo de Manila University. Sa kanyang angking kagandahan ay siguradong napapanganga lahat ng kanyang madaanan.

9. Princess Gaiser - Isa sa mga nagbibigay ng karangalan sa UP Lady Fighting Maroons, hinangaan din ang dalaga sa kanyang on and off court charm. Siya'y isang libero ng nasabing unibersidad.

10. Alyssa Valdez - Hindi maaaring mawala sa listahan si Alyssa dahil sa kanyang angking galing sa court. Tatlong taon siyang naging team captain ng ADMU mula 2013-16. Siya rin ang humakot ng pinakamaring puntos at parangal sa buong kasaysayan ng UAAP.

Here’s some brain exercise for you. Have you ever been in a situation when you can see two or more things in one image? Here’s a fun way of exercising your brain and sense of sight with our “What do you see?” social experiment. So, what do you see? Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - on HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel