Teen nabuntis sa murang edad na 18, tiniis ang mapanghusgang tingin ng mga tao para makamit MedTech degree niya

Teen nabuntis sa murang edad na 18, tiniis ang mapanghusgang tingin ng mga tao para makamit MedTech degree niya

- Isang teenager ang nag-inspire sa iba pang mga teens na nabuntis nang maaga dahil natapos niya ang kanyang kurso sa kabila ng kanyang sitwasyon

- Nabuntis siya sa murang edad na 18 pero natapos niya ang MedTech degree niya nang walang delay o mababang marka

- Ngayon, nagsisilbi siyang modelo sa iba pang mga estudyante na hindi dapat dagdagan ang isang pagkakamali

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang teenager ngayon ang nagbibigay inspirasyon sa mga tao dahil sa kanyang katatagan sa kabila ng mapait na karanasan.

Nalaman ng KAMI na ang teenager na ito ay nabuntis sa murang edad na 18-years old.

Siya si Zianne Tremedal, 20 years old ngayon, panganay sa tatlong magkakapatid. Inisip niyang siya na ang black sheep ng family dahil sa katigasan ng ulo at parating nadidis-appoint ang kanyang mga magulang.

Nang malaman niyang siya ay 2-months pregnant, magsisimula na siya ng kanyang 3rd-year sa Southwestern University sa Cebu City, sa kursong Medical Technology.

Pumunta si Zianne sa isang malapit na clinic at doon niya narinig ang heartbeat ng baby niya sa pamamagitan ng ultrasound.

Teen nabuntis sa murang edad na 18, tiniis ang mapanghusgang tingin ng mga tao para makamit MedTech degree niya
Teen nabuntis sa murang edad na 18, tiniis ang mapanghusgang tingin ng mga tao para makamit MedTech degree niya (Photo: Zianne Tremedal)

"Naiyak ako. Hindi ko alam kung tears of joy or sadness. Pero ang sarap sa pakiramdam ‘pag narinig mo ang first heartbeat ang baby mo," sabi niya sa Smart parenting.

Dahil doon napag-isip siya ng malalim kung hihinto sa pag-aaral o hindi.

Nag-decide si Zianne na huwag huminto, at nang manganak siya dinala niya sa mga magulang niya ang baby niya at ipinagpatuloy ang pag-aaral.

"Gusto kong magtapos on time kasi ‘yun ang gusto ng parents ko,” kuwento ni Zianne. “Gusto ko ring maibalik sa kanila ang lahat ng binigay nila sa akin at sa anak ko.”

Bawat araw, pumupunta siya sa library para mag-aral, tinutulungan din siya ng mga kaklase niya sa pamamagitan ng pagbitbit ng kanyang bag.

Teen nabuntis sa murang edad na 18, tiniis ang mapanghusgang tingin ng mga tao para makamit MedTech degree niya
Teen nabuntis sa murang edad na 18, tiniis ang mapanghusgang tingin ng mga tao para makamit MedTech degree niya (Photo: Zianne Tremedal)

Pero ang pinakamahirap daw sa lahat ay ang pag di-pansin sa mga taong alam niyang siya ang pinag-uusapan.

"Masakit, nakakahiya, pero wala na akong pakialam kasi hindi naman sila ‘yung makikinabang sa mga ginagawa ko. Ako at ang baby ko naman ang makaka-benefit sa pag-aaral ko," sabi ni Zianne.

Habang ang baby niya ay nasa parents niya, nagpapadala siya ng breastmilk para sa baby niya.

"Nag-pa-pump ako habang nag-aaral,” sabi niya sa Twitter. “Ilang bottles pinupuno ko tapos nilalagay ko sa freezer at pinapadala sa Mindanao through ice bucket. Cargo lang thrice a week.”

"Umiiyak ako parati. Every time na naririnig kong umiiyak siya, gusto ko nang umuwi, kaso alam ko kailangan kong tiisin ang lahat ng lungkot, kasi para sa kanya ‘yung pag-aaral ko."

Teen nabuntis sa murang edad na 18, tiniis ang mapanghusgang tingin ng mga tao para makamit MedTech degree niya
Teen nabuntis sa murang edad na 18, tiniis ang mapanghusgang tingin ng mga tao para makamit MedTech degree niya (Photo: Zianne Tremedal)

Lahat ng paghihirap niya ay nabiyayaan noong April 2018. Nakamtan niya ang kanyang Medical Technology degree.

"Regrets are inevitable, so are mistakes. Nagkamali ako pero hindi ibig sabihin ay uulitin ko ito,” sabi ni Zianne. “That one mistake taught me a valuable lesson. Mahirap, pero worth it.”

Tricky Questions: Can you translate this into English? on Kami YouTube channel This video shows the ability of Filipinos to translate sentences hurled at them into the universal English language.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)