Pagbabalik-tanaw sa kahindik-hindik na pagpaslang kay Nida Blanca

Pagbabalik-tanaw sa kahindik-hindik na pagpaslang kay Nida Blanca

- Halos dalawang dekada na rin ang nakalipas mula nang paslangin ang beteranang aktres na si Nida Blanca

- Natagpuan ang kanyang katawan sa backseat ng kanyang sasakyan na walang buhay na

- Marami itong tinamong saksak sa kanyang katawan nang matagpuan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Halos dalawang dekada na ang nakalipas mula nang paslangin si Nida Blanca.Natagpuan ang kanyang katawan na tadtad ng saksak sa kanyang sasakyan.

Hanggang ngayon tila isang palaisipan pa rin ang kanyang pabkamatay.

Si Nida ay isang half caucasian kaya siya ay maputi kaya naging Blanca ang kanyang last name bilang screen name.

Noong November 7, 2001, ikinagulat ng buong bansa ang balitang natagpuang wala nang buhay ang aktres na si Nida Blanca.

Ang kanyang katawan ay nakatamo ng 13 na saksak ngunit naging mitsa ng kanyang buhay ang saksak sa kanyang leeg na tumagos sa kanyang larynx.

May pasa din siya sa mata at may dalawang baling ribs.

Marami ang naging teyorya sa kanyang pagkamatay at dahilan kung bakit siya pinatay.

Ang unang naging sentro ng imbestigasyon ay ang kanyang asawang si Rod Strunk. Nagalit daw ito diumano dahil hindi siya kasama sa last will ng aktres. Para umano lahat ang kanyang yaman sa kanayng anak na si Kaye.

Ayon sa teyoryang ito, hindi nakumbinsi ng asawa si Nida kaya nag hire umano ito ng killer.

Sinasaktan dindaw nito si Nida at may ibang babae siya.

Ito ang halos pinaniwalaan ng karamihan at ng publiko ngunit ilang mga artista ay hindi naniwala dito.

Isa na rito ay si Inday Badiday na hindi kumbindsidong sinasaktan ni Rod si Nida.

“I admit, after covering the story for how many days, that I am sympathetic. Fall guy siya dito. So analysis ko sa kanya, small mind lang siya, mababaw ang kaligayahan. He’s not capable of masterminding something as grand as this.”

Isang Philip Medel naman ang sumuko at sinabing siya ang killer. Binayaran umano siya ng 50,000 ng isang middleman na si Mike Martinez.

Hindi din daw niya alam na ang magiging target niya ay si Nida Blanca.

Ngunit binawi din niya ito matapos sabihing pinilit at tinorture umano siya para umamin.

Isa pang teyorya ay na involve umano ang aktres sa isang politician na nagkatiwala ng malaking pera sa kanya habang siya umano ay iniimbestegahan.

Ayon naman sa isa pang teyorya, nasangkot si Nida sa isang Casino kung saan nagkautang siya ng 2 M na tumubo hanggang sa naging 100 Milyon.

Anim na taon matapos ang pagkamatay ni Nida, nagpakamatay umano si Rod Strunk sa pamamagitan ng pagtalon sa hotel balcony niya.

Ayon sa imbistigasyon, sinadya iyon ni Strunk. Siya ay nakatira noon sa Tracy Inn sa California, USA.

Halos 17 taon matapos ang kaluno-lunos na sinapit ni Nida Blanca, tila wala pa ring klarong sagot kung sino ang pumatay sa kanya.

Makeup For A Gym: Stay Awesome While Working Out | on BeKami

A certified makeup artist of MAC Philippines will create several new looks for our amazing coach Crystalle.

Do you want to learn everything about workout makeup? Click “Play” and enjoy the video!

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral

Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral

Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel