Ama na bagong laya, tinulungan ng mga kasakay niya sa bus nang malaman ang kwento ng kanyang buhay
- ₱50 na lamang daw ang pamasahe ng matandang lalaki na bagong laya sa preso
- Buong tapang niyang kinuwento ang kanyang naging buhay sa preso na siya namang kinaantig ng puso ng kanyang mga kasakay sa bus
- Dahil dito, nag-abot ang mga pasahero sa kanya ng tulong dahil ramdam daw nila na nagsasabi naman ng totoo ang matanda
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang naantig sa viral na post tungkol sa isang matanda na kalalabas lang ng kulungan.
Nalaman ng KAMI na nakasakay ng nag-post ang mgatanda na noon ay bagong laya pa lamang.
Nagtanong daw ito sa driver ng bus kung magkano ang pamasahe papuntang Daveo dahil ₱50 na lamang daw ang kanyang pamasahe. Naawa ang katabi ng nag-post at nagdagdag ng ₱50 pa. Dito nagsimulang magkwento ang matandang lalaki.
Umpisa pa lang ng kwento ng lalaki, sadyang nakakaduog ng puso dahil pinagdusahan niya pala ang kasalanang di niya naman talaga nagawa sa loob ng 12 taon. Inangkin na lamang niya ang kasalanan para lamang matapos ang kaso.
Ang masaklap pa dito di ito nalaman ng kanyang pamilya dahila ang alam nila ay nagtatrabaho ang lalaki sa Cebu habang ang kanyang pamilya noon ay nasa Bacolod.
Sa loob ng 12 taon wala ni isang dumalaw sa kanya. Dumaan ang kanyang kaarawan at pasko, walang dalaw dahil walang may alam ni isa sa kanyang mga kamag-anak.
At ngayong nakalaya na siya, sabik na sabik na siyang makasama ang kanyang pamilya sa Bacolod. Di napigilan ng matanda na maluha sa tindi ng emosyon na nadarama.
Laking pasalamat pa rin daw niya sa Diyos na nabigyan siya ng pagkakataon na makalaya pa at makasama ang kanyang pamilya.
Wala rin siyang ibang dala kundi bag na may laman na damit niya at ang kanyang certificate of discharge.
Sa sobrang awa at pagkaantig ng mga pasahero, nagbigay sila ng munting halaga mula sa kanilang bulsa para sa matandang lalaki na alam nila na malaking tulong na sa kanya lalo na sa araw na iyon.
This awkward phone call leaves a bunch of strangers from the Philippines shocked and surprised. Are you interested to find out what the phone call is about? Awkward Phone Call Public Prank: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh