Guro na nagtuturo sa klase kahit nakababad ang paa sa baha, hinangaan ngunit binatikos din

Guro na nagtuturo sa klase kahit nakababad ang paa sa baha, hinangaan ngunit binatikos din

- Agaw pansin ngayon ang larawan ng isang guro na matiyagang pinagpapatuloy ang klase kahit nakababad pa ang kanilang mga paa sa baha

- Hinangaan ang guro dahil sa kanyang dedikasyon sa pagtuturo ganun din ang mga estudyante na di ininda ang mga paang nakababad sa tubig baha

- Bagaman sila ay hinangaan, may ilang bumatikos sa kanilang ginawa dahil sa panganib na maari nilang makuha sa baha gaya ng pagkakaroon ng leptospirosis, aldaba at kahit alipunga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon sa social media ang post ng isang guro kung saan patuloy pa rin siyang nagtuturo kahit nakababad na ang kanilang mga paa sa baha.

Nalaman ng KAMI na tumaas ang tubig nang nagkaklase na ang mga bata kaya naman tuloy parin ang pagtuturo ng guro.

Tila di alintana sa kanila ang peligro na maari nilang makuha mula sa pagkakababad ng kanilang mga paa sa tubig baha.

Makikita sa larawan na maging ang mga bata ay nagagawa pang magpalakad lakad gayung di na makita ang kanilang mga paa sa baha.

Umani ng iba't ibang reaksyon ang post na ito ng guro. Bagaman ang iba ay humanga sa dediksayon niya sa pagtuturo, ang ilan naman ay tila nangamba sa kalusugan ng guro lalong lalo na ng mga bata.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens:

"Saludo po ako sa inyo mga maam."

"Kawawa nman mga bata ska guro. Dpat ikmjs n yn"

"passion ! para sa bata, para sa bayan!"

"Dpat po nka bota n kyo..mga titser at mga students"

"Mga guro aba kung kayo e nagpapakabayani e huwag nyong idamay mga bata dapat pinapauwi na yan."

"Naku kawawa nman kau. bka magkasakit. Ingat po"

"Sana pagnagkasakit mga bata sagutin ng principal ang mga gamot.lubog nkc ayaw png magpa cansel ng pasok.haisss punong guro ano kb?"

"Naku dapat suspended n class kpag ganya! Panu kung merong may sugat sa mga estudyante? Anu na mangyayari?"

This awkward phone call leaves a bunch of strangers from the Philippines shocked and surprised. Are you interested to find out what the phone call is about? Awkward Phone Call Public Prank: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica