Mga kilalang personalidad dumayo pa sa Malaysia para masaksihan ang laban ni Manny Pacquiao
- Isang masayang araw ang nangyari kahapon, July 15, 2018, nang tanghaling kampeon na naman ang ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao
- Biglang tumahimik ang lahat ng kalsada at napakatahimik ng mga daan kahapon dahil nga sa laro ni boxing champ
- At hindi nagpahuli sa aksyon ang mga piling artista at ibang mga Pinoy celebrities na pumunta mismo sa Kuala Lumpur, Malaysia para lang masaksihan live ang nasabing laro
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ibinigay ni Pacman lahat sa "Fight of Champions" sa pamamagitan ng papanalo ng 7th round via TKO, at angkinin ang "WBA Welterweight Champ" na titulo mula sa Argentine boxer na si Lucas "La Maquina" Matthyse.
Dahil na din sa sabik at umaapaw na suporta para sa ating Pambansang Kamao, Manny Pacquiao, maraming mga Pinoy stars ang bumiyahe talaga ng malayo patungong Malaysia para lang ma-witness ang isang pang panalo para sa ating boxing champion.
Ito ang mga artistang naispatan ng GMA News Online.
Ngayon, binabahagi ng KAMI ang mga nasabing mga kumikinang na mga artista na todo ang suport na ibinigay kay Senator Manny Pacquiao.
Jinkee Pacquiao
Siya lang naman ang babae sa likod ng tagumpay ng pambansang kamao.
Sa laro ng kanyang pinakamamahal na mister ay hindi nawala ang asawang si Jinkee Pacquiao.
Napakasupportive ni Jinkee sa karera ng misters sa loob ng mahigit na dalawang dekada o 23 years.
Jimuel Pacquiao
Ang artistahing anak ni Manny at Jinkee na si Jimuel ay syempre present din sa nasabing laro, at ayon pa sa balita, wished his father well bago pa man sa bakbakan.
Max Collins & Pancho Magno
Nag-eenjoy din naman ang mag-asawa at Kapuso star sa pag-witness sa laro ni Manny Pacquiao.
Bongbong Marcos
Kasama ni Bongbong Marcos ang kanyang maybahay at nagshare pa ng pictures sa kanyang Instagram account.
JV Ejercito
Isa din si JV Ejercito na dumumog sa nasabing okasyon at tila paboritong mga Pinoy na nasa Malaysia.
Representative Koko Nograles and Taguig Mayor Lani Cayetano, Lito Atienza, at iba pa
Supporters din ni Pacman sina Rep. Nograles at Mayor ng Taguig na si Lani Cayetano.
Pati na rin si Lito Atienza at marami pang iba.
Regine Tolentino
Pumunta din pala si Regine Tolentino sa Kuala Lumpur para lang ma-witness ang kanyang laro.
President Rodrigo Duterte
Nandoon din para makawitness sa napakalaing laro ang pangulo ng Pilipinas na si President Rodrigo Duterte kasama pa si SAP Bong Go.
Nandoon din pala si Tito Sotto at ang buong pamilya nina Jinkee at Manny Pacquiao.
Si Manny Pacquiao ay isang boxer na naging isang politiko.
Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao.
Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya'y bata pa lang.
Binuhusan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo.
Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.
Sa ibang bahagi, narito ang isang bagong bibong social experiment ng aming grupo sa ating mga kababayan.
Ano ang nakikita ninyo?
Watch more makeup tutorials and fitness routine videos on BeKami YouTube channel here
Source: KAMI.com.gh